Palaging sumasagi sa aking isipan,
Darating kaya?
Darating kaya yung araw na gigising akong wala nang sakit na nadarama sa aking puso? Darating kaya yung araw na wala nang luha pang tutulo sa aking mga mata nang dahil lang sa sakit na nadarama? Darating kaya yung araw na puro totoong ngiti nalang ang aking dala-dala sa mukha? Darating kaya yung araw na ako nama'y magiging masaya?
Darating kaya yung araw na hindi na ako aasa pa?
Aasa... aasa na mahalin o magustuhan man lang ng taong tibok ng aking puso. Darating kaxa yung araw na gigising ako mahal na ako nang taong mahal ko?Sa mundong ito,
Ba't parang ang labo?
Ang labo na mangyati lahat nang gusto kong mangyari?
Nakakapagod...
Nakakasawa...
Ayoko na.
Kase,
Sobrang sakit na...
Sobrang sakit nang umasa na darating pa yang araw na yan.Ngunit kung darating man yang araw na yan...
Siguro, isa ako sa mga pinakamasayang tao sa mundong ito.Sana pagdating nang araw na yan,
Totoo na lahat. Hindi na imahinasyon.
Totoong nadarama,
Totoong nangyayari,
At totoong pagmamahal.Ngunit darating kaya?