Pinagmamasdan niya ang payapang mukha ng kanyang asawa. Sa pagkakapikit nito ay naroon pa rin ang ngiti sa gilid ng mga labi, na para bang mayroon itong itinatagong misteryo.
She was beautiful in repose.
Paano niya ba inisip dati na hindi ito gaanong kaganda? Siguro ay dahil kinailangan niya muna itong lapitan bago madiskubre na nasa mga mata nito ang lahat ng maganda at mabuti sa mundo. Kinailangan niya muna itong kilalanin bago matutunan na hindi kailangang maging mailap ang kaligayahan.
They had to learn so many things together. Habang magkapatong ang mahuhugis nitong mga kamay sa tapat ng dibdib nito ay hindi niya rin maipaliwanag kung paanong ang ganoong kaliit na mga kamay ay humawak ng kapangyarihang baguhin ang kanyang pagkatao.
Alam niya. Nararamdaman niya sa bigat na namumuo sa kanyang dibdib na sandali na lang ay kailangan na niyang tuluyang magpaalam. Ngunit bago iyon, nais niya muna sanang yakapin pang muli ang mga alaala....
BINABASA MO ANG
HEAVEN (Completed)
RomanceAng akala ni Vivian, kapag sa wakas ay na-in love siya, iyon ay sa isang ordinaryong paraan, sa isang lalaking hindi nalalayo sa kanya ang personalidad at pananaw. Pero minsan, may mga sorpresa ang tadhana. One rainy day, she met Zach. Ito ang eksak...