Heaven Chapter 15

6.5K 145 5
                                    

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. She has developed resistance to her medications and her leukemia is now at late accelerated phase, maybe entering what we call a blast. So the only way to go now is stem cell transplant. Its the most expensive treatment available but it can be her only hope," paliwanag ng doctor kay Zach.

Maraming ipinaliwanag sa kanya ang doctor bago siya lumabas ng klinika nito pero isa lang ang pinakamalinaw sa kanya. Hanggang may katiting na pag-asa, gagawin niya ang lahat para sagipin si Vivian.

"Nakipag-usap ka raw sa doctor?" Tanong sa kanya ni Vivian nang muli siyang pumasok sa silid nito.

Gusto niya sanang ilihim muna iyon pero nagtiwala itong siya ang haharap sa mga doctor san kundisyong wala siyang ililihim na kahit ano rito. "Yeah," tugon niya.

Sinilip nito ang mukha niya. "And?"

"Nirerekomenda ng doctor ang stem cell treatment." Hindi niya iyon kailangang ipaliwanag. Alam niyang matalino si Vivian at marahil ay nabasa na nito lahat ng puwedeng basahin tungkol sa karamdaman nito kasama na ang binanggit niyang treatment.

Napapikit ito. Pagkatapos ay muli itong tumingin sa kanya. "Baka may puwede tayong subukang ibang paraan. Alternative medicines. Marami akong nabasa..."

Umupo siya sa tabi nito sa kama. "Hindi sa ngayon, Vivian. Sabi ng doctor, kailangan nating gawin ang treatment sa lalong madaling panahon. Kritikal ang oras. Ayaw kong sayangin iyon sa paghahanap o pagsubok ng alternatives na walang clinical guarantees."

"But the cost of stem cell..."

At nahuhulaan na nga niya na iyon ang pangunahing alalahanin nito kung kaya't hindi na niya ito pinatapos. "Don't worry about it. Ang kailangan mo lang isipin ay kung paano magpagaling. Let me take care of the rest."

"Pero..."

"No buts. You promised to trust me this time around."

Nagpilit itong ngumiti bago muling humilig sa kanya. Hinaplos niya nang marahan ang buhok nito habang nag-iisip. Tama ang ipinag-aalala ni Vivian. Mataas ang halagang kailangan para sa stem cell treatment. Mahigit kalahating milyon kada treatment. Bukod pa sa panahong ilalagi sa hospital at mga iba pang pangangailangan nito.

Nang hapon ding iyon ay nag-schedule siya ng meeting sa kanyang accountant.

"How much cash do I have?" agad niyang tanong dito.

Naglabas ng ilang mga papeles ito at muling sinipat ang mga iyon. "Sir, you're current net worth is about 100 million."

"Hindi iyon ang tinatanong ko. Ang tanong ko ay kung magkano ang available kong disposable cash."

"Naipaliwanag ko na po sa inyo nang magdesisyon kayong mag-invest sa bagong line na maapektuhan ang pagiging liquid niyo."

Nauubusan na siya ng pasensiya sa kakapaligoy-ligoy nito. "Magkano ang available cash na puwede kong gastusin? Give me exact numbers now."

"Six hundred thousand five hundred seventy five pesos and thirty two centavos."

Napasandal siya sa inuupuan. Tama ito. Ipinaliwanag nito sa kanya ang magiging epekto ng kanyang cash investment. Alam niyang mauubos ang cash assets niya kapag ginawa niya iyon pero hindi niya inaasahang maging ganoon iyon kababa. Halos sapat lang sa unang round ng stem cell treatment.

"If I sell..."

Hindi na siya pinatapos ng accountant. "At this point, sir, wala kang puwedeng ibentang kahit ano dahil ipinasok nating collateral sa bangko ang lahat ng properties mo para sa pagpapatayo ng bagong warehouse sa Pasig."

HEAVEN  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon