Nagising si Vivian sa pagtama ng liwanag sa kanyang mata. Itinaas niya ang kamay para salagin iyon. Hinila niya ang sarili paupo nang naramdaman niya ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong makagalaw. Dahil iyon may brasong nakayakap sa kanyang baywang.
O.M.G!
Napatingin si Vivian sa nagmamay-ari ng braso – sa malapad na balikat at magulong buhok ng isang lalaking nakadapa sa kanyang tabi. Hanggang baywang lang ang nakatakip ng kumot kung kaya't nakalantad sa kanya ang kahubaran nito. Nakaharap sa kanta ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang guwapong profile – mula sa makinis na noo, makapal na kilay, mahabang pilik-matang mas malantik pa yata kaysa sa kanya, matangos na ilong, senswal na mga labi na bahagyang nakaawang hanggang sa seksing umbok ng adam's apple sa leeg .
Wait a minute...
Ang pagsuri ba ang dapat sa mukha nito, gaano man kaguwapo iyon, ang preokupasyon niya nang sandaling ito? Ngayon? Hindi niya ba kailangang ma-guilty na nagising siya sa isang hindi pamilyar na silid sa may mas hindi pamilyar na sitwasyon kung saan may kasama siyang lalaki? Na ni hindi niya maalala ang pangalan! John? Geom? Mark? Waaaah. Alanganing hinawakan niya ang kamay ng katabi para marahang tanggalin ang pagkakapulupot sa kanya.
Noon naalala ni Vivian ang pagpapakilala nito.
"Hi, I'm Zach."
Parang pasyente na may amnesia, biglang bumalik ang alaala dahil kasabay nang pag-alala niya sa introduksiyong iyon ay nag-flashback lahat ng mga eksenang nagdala sa kanya sa kuwartong ito, sa kamang ito, katabi ng mamang ito.
"Does it occur to you, Vivian that you can die a virgin at age twenty eight?" tanong sa kanya nang kaibigang si Lalaine habang nag-iinom silang dalawa.
Araw ng libing ng kaklase nila sa High School na si Margie at pagkagaling doon ay dumiretso sila sa isang bar para 'magpagpag'. Matapos ang ilang baso ng alak ay nauwi sila sa pagtatanong ng mga ganitong katanungan. Parang ipinaalala ng pagkamatay ng isang malapit sa kanila ang kanilang mortalidad.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Lalaine. "I mean, look at Margie. Class muse. Health buff. Noong huling reunion natin lahat na lang ng tao sinasabi na mukha pa rin siyang high school. Man, gusto ko na nga siyang sakalin sa inggit because the girl has zero body fat. Tapos, wala pang isang taon, she's dead. And from exercising too much, no less."
"Wala naman kasing may alam na may heart condition pala siya," paalala ni Vivian sa totoong sanhi ng kamatayan ng kaibigan.
"That's it precisely," ani Lalaine. "Walang may alam. Basta na lang. Kaya nga ang sinasabi ko," sandali itong tumigil pagsasalita para magsalin ulit ng alak sa baso nilang dalawa. "Inom ka pa muna."
"Lasing na tayo," sabi ni Vivian dahil kanina pa niya nalagpasan ang limit ng kayang inumin.
"Kaya pa natin, ito," garantiya ni Lalaine. tulad ng isang tunay na lasing. Iwinagayway nito ang kamay sa mukha niya. "Anyway, ano nga ang sinasabi ko?"
"Something about hindi natin sigurado ang future," tulong ni Vivian.
"Tama! Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin bukas. O kahit mamaya lang. Mamaya mo paglabas natin biglang mabagsakan na lang tayo ng meterorite or something."
"Ano ka ba?"
"Ang ibig ko lang sabihin, we should live life to the fullest. Ay, hindi pala we, dahil hindi na ako puwede. Ikaw na lang ang pag-asa nating dalawa. Kaya kahit man lang ikaw, you should live life to the fullest."
BINABASA MO ANG
HEAVEN (Completed)
RomanceAng akala ni Vivian, kapag sa wakas ay na-in love siya, iyon ay sa isang ordinaryong paraan, sa isang lalaking hindi nalalayo sa kanya ang personalidad at pananaw. Pero minsan, may mga sorpresa ang tadhana. One rainy day, she met Zach. Ito ang eksak...