Nakangiting pinapanood ni Vivian ang kaganapang nagaganap sa living room. Naririnig niya ang kuwentuhan at tawanan sa paligid. Naroon ang mommy at ang mga kapatid niya, si Lalaine, Dennis, ang mga anak nito, si Walden, ang daddy ni Zach at si Zach.
Dalawang linggo nang nakakaraan mula ng matapos ang kanyang therapy at ngayon ay isiniselebra nila ang resulta ng huling medical tests niya. Habang buhay pa rin siyang kailangang i-monitor at may mga gamot na kailangan niyang inumin. Pero sa kondisyon niya, bawat maliliit na tagumpay ay mahalaga.
Sumiksik sa tabi niya si Zach habang natatawa pa rin sa isa sa mga joke ng mga bata. "Something is making you smile," sabi nito sa kanya.
"I am happy," nakangiti pa ring sabi ni Vivian.
Hinawakan ni Zach ang kamay niya. "I am happy that you are happy."
Humilig siya rito at agad niyang naisip, this must be what heaven would be like.
"Those kids are damned cute," sabi ni Zach.
"Sobra. I love them," aniya.
"Kailan tayo gagawa ng atin?" tanong nito.
Tumingala siya rito. "Very funny."
"I am serious. The doctors said that it is possible to have children."
Tumahimik siya. Kaya niya bang mangarap nang hanggang doon?
"But maybe, we should get married first, right?"
"Nagpo-propose ka ba Zachary?"
"Yes. And I won't take no for an answer this time around."
"I won't even dream of saying no."
"Really?"
"Really."
Natutuwang niyakap siya nito at hinalikan.
"Hey, hey! May mga bata," natatawang sita ni Lalaine nang mapansin sila.
"At may mga parent din. Kaya mag-behave kayong dalawa diyan," susog ni Dennis.
Natatawang inakbayan siya ni Zach. Hinantay nitong maalis ang tingin ng mga kaibigan sa kanila bago muling nagsalita. "Dapat pala hindi na ako nagplano ng candlelight dinner. I should have known you're my straightforward, no-frills kinda girl."
"Na hindi mo type," dagdag niya.
Dahan-dahang ngumisi ito na para bang may biglang nakakatuwang naalala. "Sinong may sabi noon?"
"Uh, ewan ko lang. Some player I remember."
"Stupid guy. Baby, you are exactly my type," sabi ni Zach bago siya muling halikan.
Naisip niya nang sandaling iyon, puwede nga siguro siyang mangarap ulit.
Sandali lang din nang madiskubre ni Vivian na madali lang palang masira ang mga simpleng pangarap. Minsan, ang senyales ay puwedeng maging kasing liit lamang ng isang lagnat nagsisimula sa gitna ng gabi o ang pakiramdam na may mali na naman sa katawan niya paggising niya sa umaga.
"We should go to the hospital," agad na sabi ni Zach nang hawakan nito ang noo niya.
May takot na agad sa tinig nito gayong sa ibang tao ay tulog lang at pahinga ang irerekomendang sagot sa sinat. Kahit ang mga doktor sa ospital ay kinakitaan niya rin ng pagkabalisa. At may dahilan doon.
"Isa sa mga side-effect ng stem cell transplant ang graft-vesus-host disease," paliwanag sa kanila ni Dr. Bernal matapos lumabas ang resulta ng mga diagnosis. "Ang ibig sabihin lamang ay hindi maganda ang reaksiyon ng katawan niya sa inilagay na stem cell sa kanya."
BINABASA MO ANG
HEAVEN (Completed)
RomanceAng akala ni Vivian, kapag sa wakas ay na-in love siya, iyon ay sa isang ordinaryong paraan, sa isang lalaking hindi nalalayo sa kanya ang personalidad at pananaw. Pero minsan, may mga sorpresa ang tadhana. One rainy day, she met Zach. Ito ang eksak...