Heaven Chapter 16

6.4K 168 6
                                    

Nang sumunod nilang check up ay pumayag na ang doctor na makalabas ng bahay si Vivian ng paunti-unti, basta hindi lamang daw sa mataong lugar.  Naisipan ni Zach  na dalhin ito sa Heaven. Pero hindi niya inaasahan na may aabutan silang bisita doon.

Una ay napakunot ang noo ni Zach nang matanaw  ang isang middle-aged na lalaking nakatayo sa  may poolside. Sa paglapit nila ay naging mas pamilyar ang hitsura nito.

"Dad?"

Humarap sa kanya ang kanyang ama. Tila nagulat din ang matanda sa presensiya niya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Zach must have sounded hostile Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Vivian sa kanyang kamay, tila nagpapaalala .

"I was just passing by. Naisipan kong dumaan," sagot ng matanda. Napatingin ito sa kasama niya. "You must be Vivian..."

"Ako po si Vivian," pagpapakilala ni Vivian sa ama ni Zach. "Hindi ko po sigurado kung natatandaan niyo ako. Nagtatrabaho po ako sa Shelley's.... dati... pero kababalik ko lang po."

"Kilala kita, hija. Kumusta na ang lagay mo?"

Hindi niya alam kung anong intensiyon ng ama niya sa tila pagmamabuti ng pakikiharap nito kay Vivian. Tiyak naman siyang ang tanging gagawin nito ay mag-iisip ng paraan para matahin na naman siya at ang mga pinili niya sa buhay.

"This is a private property. Sinong nagpapasok sa iyo dito?"

"Zach..." Halos panabay na sambit ni ni Vivian ng daddy niya. Ang  daddy niya na may pakiusap at si Vivian nang may pagkagulat marahil sa pagtrato ni Zach sa matanda. Hindi niya pinansin pareho.

"I should leave," kapagdaka'y sabi ng daddy. Kauna-unahang pagkataon na nagpakita ito ng tila pagsuko sa kanya. "Maybe, I'll see you both some other time."

Madilim pa rin ang tingin niya rito nang sundan ito ng tingin paalis. Nagpupuyos ang kalooban ni Zach dahil sa pagpunta ng ama sa  itinuturing niyang sagradong alaala ng ina. His dad was never there for his mom. Kaya huling nadiskubre ang karamdaman nito.  Ang daddy niya ang may kasalanan kung bakit pumanaw na nag-iisa at malungkot ang kanyang ina kung kaya't wala itong karapatang dumihan ng presensiya nito ang lugar na iyon.

Naramdaman ni Zach ang pagbitiw sa kanya ni Vivian nang makaalis ang ama ni Zach.

"Sasabihin mo sa akin na hindi ko dapat ginawa iyon," una ni Zach.

Umiling  si VIvian. "I just wished you were a little kinder to him."

"Hindi mo kilala ang daddy ko?" sabi niya.

"Hindi pa ba sapat na daddy mo lang siya?"

Muli siyang nawalan ng agarang sagot. "Matagal ng walang ibig sabihin iyon."

"Pero ang dami pa rin sa desisyon mo ang ginawa mo dahil sa kanya," sabi ni Vivian.

"I don't know what you mean."

Vivian smiled kindly. "Na-disappoint ka sa kanya kung kaya mo tinalikuran ang kagustuhan mong sumunod sa yakap niya. Hindi mo matanggap ang failure niya bilang asawa at bilang ama kung kaya hindi mo siya kayang harapin pagkatapos. Pati pagpili mo sa akin dati, hindi mo ba naisip na konektado pa rin iyon sa kanya?"

"Hindi iyon totoo," tanggi ni Zach.

Natawa pa ito ng bahagya. "The company's son dating an ordinary employee of his father's company? Ang kasamahin mo ang isang babae na sigurado kong hindi niya aaprobahan, sa mismong bubungan ng kumpanya niya? May mas malaki pa bang rebellion kaysa doon?"

HEAVEN  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon