Heaven Chapter 8

6.9K 180 5
                                    

Gustong sabihin ni Zach kay Vivian na hindi lang iyon ang dahilan kung bakit niya ito dinala roon. Hindi lang para bumuti ang pakiramdam nito. Dinala niya ito sa isang lugar na wala pa siyang pinagdadalhan kahit kanino dahil nakagawa siya ng isang malaking desisyon.

He kissed the top of her head. Hindi pa niya muna iyon sasabihin dito hangga't hindi pa handa ang lahat. He laced his fingers through hers.

Kung hindi na niya ito binalikan nang gabing takasan niya ito, ano na kaya ang nangyari sa kanila? Nasaan na kaya sila ngayon?

Okay na siguro si Vivian. Baka iniyakan siya nito ng ilang araw, o kahit pa ilang linggo kung pagbabasihan ang hitsura nang muli silang magkita. Pagkatapos ay nagpatuloy na ang buhay nito kung saan isa lang siyang masamang alaala. Hindi nga kaya mas nakabuti pa iyon? Hindi pa siguro nito naranasan ang nangyari kanina.

Pero siya?

He would have been a bigger mess than he already was. Patunay doon ang isang linggong ginugol niya sa Khao San, ang lugar ng mga backpackers sa Bangkok. Nakitambay siya roon kasama ang mga foreigner na naglalalango sa murang beer mula makatanghalian hanggang hatinggabi, hanggang gumagapang na halos siya pauwi. Madalas ay ibinababa na lamang siya ng taxi driver sa lobby ng hotel at binubuhat  hanggang silid ng bellboy. Ngunit kahit anong gawin ay sandali lang din ang pagkalimot na dala ng alcohol. Matapos maka-recover sa isang matinding hangover ay magigising siyang isang tao pa rin lang ang laman ng isip.

Isang gabi ay natagpuan na lang ni Zach ang sarili sa harap ng pintuan ni Vivian. Nang yakapin niya ang dalaga ay saka lang ulit siya nakaramdam ng kapayapaan. Noon niya nalaman ang tinatakasang katotohanan: He was in love with her.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto niyang manatili sa piling ng isang tao. Alam niyang aalis pa rin siya paminsan-minsan. Pero mapapanatag lamang siya kung alam niyang naroon ito sa lugar na babalikan. Kanyang ideya ang magsama silang dalawa. Kay Vivian ang alok na doon muna sila sa bahay nito para nga raw sa pamilya nito. Pumayag siya dahil tatanggapin niya anumang kundisyon makasama lang ito. The truth was, he probably would go to hell for wanting to be with her too much. And he will go there willingly. Pero hindi niya isasama  si Vivian doon. He will work for his salvation if it meant saving her as well.

Ilang araw matapos ang insidente nang pagdating ng ama ni Vivian sa bahay nila ay puno ng determinasyon si Zach habang nagmamaneho  patungong Alaminos, Laguna, ang maliit na town kung saan nakatira ang pamilya ng dalaga.

Hindi alam ng kasintahan na patungo siya roon.

"May lakad ka?" tanong ni Vivian sa kanya kaninang umaga.

"Yeah."

"Saan?"

"Personal emergency," aniya.

Alam na nito ang ibig niyang sabihin. Nakasanayan na nilang gamitin iyon kapag kapag mayroong gagawin na hindi  gustong sabihin o ipaliwanag sa isat isa.

Totoong nakaramdam siya nang personal emergency sa taas ng level ng tensiyon niya nang matanaw ang bahay nina Vivian. Hindi siya maaring magkamali. Parehas na parehas iyon kung paano isinasalarawan sa kanya ni Vivian.

Isang charming na bahay, may hardin sa labas na halatang pinagbuhusan ng pangangalaga at pagmamahal ng may ari noon. Sa loob noon ay nabubuhay ang isang normal at masayang pamilya na may mga normal din problema at aalahanin... hanggang noong dumating siya sa buhay ng panganay na anak ng tahanang ito.

No. Hindi siya dapat ganoong mag-isip ngayon dahil baka mawalan siya ng lakas ng loob. Huminga siya ng malalim bago umibis ng kotse. Ilang minuto siyang nakatayo sa labas ng bahay at nag-iisip ng makailang ulit kung paano ang pinakamagandang paraan para ipakilala ang kanyang sarili.

HEAVEN  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon