Heaven Chapter 6

7.1K 197 3
                                    

Iba-ibang paraan nagsisisimula ang mga relasyon....

Sa loob ng classroom sa unang araw ng school, puwedeng may darating na isang bagong kaklase. Lilinga ito sa paghahanap ng mauupuan at walang ibang bakante kung hindi sa tabi ng isang babaeng estudyante. Walang tumatabi sa estudyante dahil suplada ito ngunit hindi iyon alam ng lalaki kung kaya't kukulitin nito buong maghapon at sasabayan pag-uwi para mangopya ng assignment. Sa araw ng JS Prom, walang ibang nakikipagsayaw sa estudyanteng babae at walang nakakaalam na nalulungkot ito dahil doon. Hindi ito lumilinga dahil nahihiyang wala man lang lumalapit kahit na bago ang gown at nagpa-parlor pa man din ito. Kunwari ay tinitingnan nito ang sapatos  nang isa pang pares ng sapatos ang tumapat sa paa nito. Tumingala ito at nandoon ang lalaking estudyante. Yayayain ng estudyanteng lalaki ang estudyanteng babae na sumayaw...

Dalawang empleyadong araw-araw nagkakasakay sa elevator pero ngayon pa lang nagkalakas ng loob mag-usap. Isang araw ay magkakasabay sila, parehong may dala ng librong paborito nila. Magsisimula silang mag-usap at makakalimutang kailangan pala nilang bumaba...

Isang lalaking tumulong sa isang babaeng kunin ang pang-limang bag sa luggage carousel ng airport...

Isang estranghero sa bar. Isang maulang gabi. Isang aksidenteng muling pagkikita...

Sa isipan ni Vivian, ang huli ang hindi niya kailanman inasahang mangyari sa kanya. Parati niyang iniisip na mai-in love siya sa isang ordinaryong paraan, sa isang lalaking hindi nalalayo sa kanya ang personalidad at pananaw. Pero minsan, may mga sorpresa ang tadhana. Sa isang iglap maari siyang ipag-krus ng landas sa isang lalaking ni hindi nakita maski sa pangarap dahil ang katauhan nito ay hindi sakop ng kahit anumang nakasalamuha o naranasan niya.

Si Zach ang eksaktong kabaliktaran niya. Isa itong rebelde sa kanyang kumbensiyunal na buhay. Isang taong hindi marunong bumuo na koneksiyon, pangtapat sa kanya na ang kinasanayang buhay ay binubuo ng koneksiyon sa pamilya at mga kaibigan. Isang nilalang na walang permanenteng tirahan sa kanya na parating may pangangailangang magbalik sa  sariling tahanan.

May hinala si Vivian na  ang eksaktong mga bagay na iyon ang dahilan ng unti-unting pagkahulog ng kalooban niya kay Zach. She was attracted to his outgoing, carefree attitude towards life. She was intrigued by the life he seemed to be living and she so wanted to take a closer look.

"At ikaw, anong nagustuhan niya sa iyo sa palagay mo?" Hamon sa kanya ni Lalaine sa isa sa mga chika-kapihan nilang magkaibigan matapos niyang ipaliwanag  kung bakit sa palagay niya nahulog ang loob niya kay Zach.

Ano nga bang nagustuhan ni Zach sa kanya? Sa totoo lang ay hindi niya alam ang sagot.

"Alam ko na. Nagustuhan niya na kaiba ka sa mga kinasanayan niya. Bago sa kanya ang konsepto ng babaeng walang sense of entitlement. At novelty sa kanya ang pagpasok sa isang maliit na apartment at ang pamimili ng grocery sa araw ng sueldo."

"I don't mind," tugon ni Vivian. "We all fall in love with a person for a reason. Ikaw, dati nagustuhan mo si Dennis kasi kaya ka niyang patawanin kahit may sumpong ka. Pero una mo rin siyang pinansin dahil maganda ang kotse niya. Basta ako, puwedeng una kong nagustuhan si Zach dahil nakikita ko sa kanya ang buhay na malayo sa karanasan ko. He made me feel more daring. He took me to see that there could be life outside my office walls and my home."

In other words, they complemented each other. Iyon ang isa sa marahil sa mga dahilan ng atraksiyon nila sa isa't isa. Hindi sila nauubusan ng pag-uusapan ni Zach. Magkukuwento ito tungkol sa mga biyahe at mga karanasan samantalang siya naman ay tungkol sa kanyang trabaho at pamilya. And if they ever ran out of interesting things to do together, they can always make love like silly.

HEAVEN  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon