"Anong sabi mo? Anong gagawin mo?" bulalas ni Lalaine matapos niyang sabihin ang balak.
"Zach and I are moving in together."
Kumurap si Lalaine ng ilang ulit. Tila hindi pa rin ito naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Maaring dahil masyado pang maaga para rito at natutulog pa ang diwa nito. Nagyaya kasi siya ritong mag-almusal sa labas para magkausap sila bago siya pumasok sa opisina.
"Anong ibig mong sabihing you're moving in together?"
O maari rin namang nag-short-circuit na talaga ang utak nito matapos marinig ang sinabi niya.
"Makikipag-live in ka? Ikaw? Kay Zach? Seryoso ka ba ko gusto mo lang akong bigyan ng heart attack? Gusto ko lang ipaalala sa iyo na noong isang buwan mo lang siya nakilala."
"Almost two months na actually," pagtatama niya. "And Lalaine, seryoso ako."
"Lord in heaven, anong nangyari sa iyo?" Sumandal ito sa upuan. Pinag-kurus ang braso sa tapat ng dibdib nito. Tinanggal iyon. Umupo ulit ng diretso. Hinawakan nito ang kape. Itinapat iyon sa bibig pero ibinaba ulit bago pa makainom.
Isang serye iyon ng mga aksiyon iyon nagpapakita sa kanyang nag-iisip ito ng sasabihin at hindi makaisip. O kaya naman ay hindi na malaman kung paano iyon sasabihin sa paraang mauunawaan niya.
"Hindi ba ikaw ang nagpasimula nito?" tanong ni Vivian.
Nanlaki ang mga mata ni Lalaine. "Hello? I asked you to get laid before you die of old age!"
Napalakas yata ang boses nito kung kaya't nagtinginan sa direksiyon nila ang ibang taong kasabay nilang nag-aalmusal ng umagang iyon sa Café France. Buti na lang at napansin din iyon ni Lalaine. Mas mahina na pero halatang nanggigigil ang boses nito nang sunod na magsalita.
"Hindi ko sinabi sa iyo na kasamahin mo ng... nang hindi pa kayo kasal! Seriously, Vivian! Seriously!" Itinuloy na nito ang pag-inom ng kape. Ngunit tila may naisip bigla, inilapag nito sa mesa ang tasa. "Wait, n'ung sinabi mo na you're moving in together, ano eksakto ang ang ibig mong sabihin? Lilipat ka sa bahay niya?"
Heto na po.
"Ahm, wala naman siyang bahay, 'di ba? Naikuwento ka na sa iyo na sa hotel lang siya nakatira."
Tumirik ang mga mata ni Lalaine. Unang linggo pa lang nang pagkakakilala niya kay Zach ay nabanggit na nito na bagama't nasososyalan ito sa ideya ng isang taong kayang tumita sa hotel nang pangmatagalan, hindi eksakto nito pinagkakatiwalaan ang isang taong walang permanenteng address. Kahit daw gaano pa ito kaguwapo, ang isang taong hindi nakakaisip ng permanenteng lugar ay imposibleng makaisip ng permanenteng relasyon.
Inulit nito ang sentimiyentong iyon. "Wala siyang permanenteng address. Wala siyang permanenteng trabaho. So ano, guwapo lang siya?"
Wala siyang sagot doon.
Nagbuntunghininga si Lalaine. "Vivian, doesn't that tell you anything? The man doesn't know anything but play. And given that, dapat ganoon lang ang level ng tatanggapin mong relasyon sa kanya."
Hindi pa rin nagsalita si Vivian. Sa halip ay ipinaramdam niya sa kaibigan ang determinasyon niya ukol sa bagay na ito.
"This isn't negotiable, right?" tanong nito.
Tumango siya.
"Fine. So hahanap kayo ng bahay niyo?"
Umiwas na siya ng tingin dito. Kunwari ay abala siya sa paghalo sa kanyang kape. Mahina ang boses niya nang magpaliwanag siya. "Hindi ako puwedeng basta lumipat ng bahay. Siyempre, magtataka sina mommy. Kaya kinumbinsi ko muna si Zach na sa bahay ko na lang muna kami."
BINABASA MO ANG
HEAVEN (Completed)
RomanceAng akala ni Vivian, kapag sa wakas ay na-in love siya, iyon ay sa isang ordinaryong paraan, sa isang lalaking hindi nalalayo sa kanya ang personalidad at pananaw. Pero minsan, may mga sorpresa ang tadhana. One rainy day, she met Zach. Ito ang eksak...