Prologue

2K 43 1
                                    


MALALAKI ang mga hakbang niya habang patungo sa kanyang apartment. Isang simpleng buhay nalang ang meron siya simula ng magdesisyon siyang umalis sa kanila. Dahil ano pa ba ang magiging rason niya para manatili sa lugar na iyon? Lahat ng masasakit at mapapait na alaala ay nakaukit sa bawat pader at sa kung saan-saang sulok ng bahay nila.

Alam niyang tutol ang ina at kapatid sa ginawa niya pero kahit ang mga ito sa ngayon ay ayaw muna niyang makita. Ayaw niyang makarinig ng kahit na ano mula sa mga ito. Masaya na siya ngayon (kahit papaano) sa maliit na bayang iyon ng Caballero. Payapa, tahimik at maganda ang simoy ng hangin. Mas madali siyang makakapag-relax at kahit panandalian ay makakaya niyang kalimutan ang gusto niyang kalimutan. Sa ngayon isa siyang part-time voice coach sa isang small time na music studio. Sapat na iyon sa pang-araw-araw na gastusin niya para sa kanyang sarili at nakakatulong din iyon na makalimutan niya ng panandalian ang pinagdadaanan.

Nahiga siya sa maliit niyang kama. Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa kisame pero alam niyang wala doon ang diwa niya ngayon. Nasa malayo. Nasa mga bagay na gusto niyang kalimutan pero alam niyang mahirap gawin. Dahil paano mo nga ba makakalimutan ang mga bagay na naging dahilan kung bakit nandoon siya sa lugar na iyon?

Isang mahinang katok mula sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Nagtaka siya dahil wala siyang inaasahang bisita. Walang nakakakilala sa kanya sa lugar na iyon at kung meron man ay iyong mga nanay siguro ng mga batang tinuturuan niya.

Bumangon siya at binuksan ang pinto.

Nanigas siya ng makita kung sino ang nakatayo sa labas ng pinto at may dalang brown envelope. Ito ang huling taong gusto niyang makita sa ngayon pero may parte din ng pagkatao niya na nangungulila dito.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nakatingin dito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mapagmasdan ang mukha nito. Tila ilang araw itong hindi nagpahinga at hindi ito maayos tingnan. Pero ang puso niya walang tigil sa pagwawala ng mga sandaling iyon. Paano ba namang hindi, ang lalaking nakatayo sa harap niya ngayon ay ang lalaking pinakasalan niya ilang taon na ang nakakaraan. Ang lalaking pinangakuan niyang sasamahan sa hirap man o ginhawa.

They shared many moments together, they build family, the make their dreams reality but they end up having a bad marriage. A marriage fail.

"Ano 'to?" tanong nito sa dalang envelope nito. "Ipaliwanag mo nga kung ano 'to dahil hindi ko kayang intindihin kung para saan 'to?" puno ng panunumbat ang tinig nito sa kanya. Inaasahan na niyang mangyayari iyon at matagal na niyang inihanda na niya ang sarili pero mukhang hindi yata sapat ang paghahanda niya.

Nahuhulaan na niya ang lamang ng envelope na iyon. Annulment papers na isinampa niya sa korte para mapawalang bisa ang kanilang kasal. "Pirmahan mo nalang 'yan at wala na akong hihilinging iba sa'yo Lee." Aniya dito.

There was bitterness in her voice, but oh God, how she missed calling his name. Pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata dito.

"Are you insane?"

"No I'm not, I'm totally sane Lee at ginagawa ko lang kung ano ang makakabuti para sa ating dalawa," matatag na wika niya at hindi niya alam kung convincing ang pagiging matatag niya sa harap nito. Parang mabubuwal na siya ng mga sandaling iyon.

Hindi niya kayang titigan ang mga galit sa mata ni Lee.

"Sa ating dalawa? Baka para sa sarili mo lang? Hindi mo gustong ipaglaban ang lahat ng 'to? Napapagod ka na ba?" At ngayon ang hinahanap niyang pag-ibig sa mga mata nito ay biglang lumitaw. Puno ng pagmamahal at pagsusumamo ang mga tingin ni Lee sa kanya. Gusto niyang haplusin ang mga matang iyon, gustong hawakan ang mga mukha nito at sabihing hindi siya deserving sa mga pagmamahal na iyon. She was nothing but a failure.

"Ano pa ba dapat ang kailangan kong ipaglaban Lee?" tanong niya dito na nanghihina na.

Kung noon si Lee ang pinagmumulan ng lakas niya ngayon ito na ang dahilan ng bawat panghihina na meron siya.

"Tayo, ang pamilya natin," sagot nito sa kanya.

Nang banggitin nito ang salitang pamilya ay may lungkot doon. Dahil alam niyang alam nito na wala na siyang pamilyang ipinaglalaban.

"My decision is final," saad niya dito mas pinatatag pa ang sarili at pinanindigan ang kanyang mga desisyon.

"Ano na bang nangyayari sa ating dalawa Ika?" gumaralgal ang tinig nito.

Kung magtatagal pa ito sa harap niya baka yakapin pa niya ito at aluin kaya kailangan niyang ipunin ang lahat ng lakas na meron siya. "Bumalik ka nalang kung napirmahan mo na 'yan," aniya at malakas na isinara ang pinto.

Pero pakiramdam niya hindi lang iyon ang naisara ng mga sandaling iyon. Pati na din siguro ang posibilidad na sana, sana magkaroon pa sila ng bagong pagkakataon. Pero pagod na si Musika, pagod na siyang makita si Lee sa araw-araw at maalala ang mga naging pasakit niya dito. At pagod na siyang makita ang disappointment sa mga mata nito at kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa.

Umiyak si Musika. At katulad ng mabilis na pagdaloy ng kanyang luha mabilis din na dumaloy ang nakaraan niya at tinangay siya patungo doon.

Piece by Piece (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon