Chapter Eleven

1.4K 43 5
                                    


"HEY baby, come here huwag ka ng lumayo pa," tawag ni Ika sa dalawang taong gulang niyang anak na babae, si Melody. Simula ng matuto itong maglakad ay naging sobrang malikot na. Binalingan niya ang anak na lalaki—kakambal ni Melody—na si Descant na tahimik na nakaupo lamang sa isang tabi at naglalaro.

"Happy pakibantay nga muna kay Descant at kukunin ko lang si Melody ha?" aniya sa pamangkin niya na anak ng Ate Narda niya.

Tumango lang si Happy at naupo sa tabi ni Descant ang nilaro-laro ang pinsan. Kabaliktaran ni Melody si Descant at kung sino pa ang naging babae ay siya pa ang malikot.

"Mama, play, play," turo ni Melody sa dalawang swing.

"Nope baby, hindi mo pa kaya dahil pang-big girl lang 'yan," aniya dito ngunit sumimangot lang ito sa sinabi niya. "Melody listen to Mama kapag sinabi kong bawal ay dapat sumunod ka?" aniya sa maawtoridad na tinig.

Tinitigan lamang siya ng anak ng maigi at nakipagtitigan lang din siya dito. Parang lumambot ang puso niya ng makita ang mga singkit na mata nito at tila nagmamakaawa. Alam na niya ang trick na iyon ni Melody nagpapaawa lang ito para masunod ang gusto. Pero dapat habang bata pa ang mga ito ay marunong sumunod sa kanya dahil mahirap na ang maging suwail.

"Ika hali na kayo dito parating na si Mama mamaya," tawag ng Ate Narda niya na nang balingan niya ay may bitbit na plastic wear na naglalaman ng mga iihawin nilang barbeque. Nasa isang park sila at tulad ng tradisyon nila noon na magsama-sama tuwing linggo ay pinagpatuloy nila iyon.

Things run differentlt after that day. Siguro dahil sa mga pagkakamali nila noon ay natuto na silang dalawa na huwag ng ulitin ang mga bagay na dati ay alam nilang nakasakit sa kanila. They stop everything dahil alam niyang walang patutunguhan ang lahat ng iyon.

"Let's go parating na ang lola, okay? Kaya behave na," saad niya sa anak niya na tumalima naman kaya bumalik na siya pwesto ni Descant kung saan nawiwili itong kalaro si Happy.

"Melody come here tuturuan ko kayong maglaro ni Descant," tawag ni Happy kay Melody.

"Sige na come na kay Ate Happy at mag-play na kayo dahil tutulungan ko lang si Tita Narda," sabi niya sa anak.

"Yehey, play, play," anak niya na may kasama pang palakpak.

Matulin na pumunta ito sa pwesto nina Happy at Descant kaya agad siyang nagtungo sa kapatid at tinulungan ito sa paghahanda.

"Wala pa ba sila?" tanong niya sa kapatid.

"Parating na siguro alam mo naman 'yun si Mama," sabi nito sa kanya saka ininguso ang mga anak nila. "Parang kailan lang ano? Ang babata pa nila noon pero ilang taon pa ang lilipas at tiyak kong magiging sakit ko na sa ulo 'yang si Happy," tukoy nito sa anak na alam niyang malapit nang magdalaga. Happy is just seven years old pero kung makapag-isip naman ang ate niya ay ang advance.

"Matagal pa 'yun ano ka ba hayaan mo muna na i-enjoy ni Happy ang pagiging bata niya," aniya sa kapatid na habang nagkakaedad sila ay nagiging praning yata sa paligid.

"Mabuti nalang din Ika at kinalimutan mo na ang lahat at natuto ka na sa pagkakamali mo at itinigil mo na ang dapat ng itigil. Dahil kung hindi baka ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa'yo," anang ate niya sa kanya.

Tiningnan niya ito. "Kailan pa ba talagang ipaalala sa akin 'yun? Okay na nga ba diba, naka-move-on na nga 'yung tao eh," saway niya dito.

Sa halip na sagutin ay niyakap lamang siya ng kapatid. "I'm just happy you find your way back kung may mas sasaya pa sa nangyayari sa'yo ngayon ay alam mong ako 'yun," saad nito sa kanya.

Piece by Piece (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon