LINGGO ng umaga at maagang nagising si Ika para maghanda ng kanilang agahan. Sunday was their family day. Pagkatapos nilang kumain mamaya ay magsisimba sila. Sinisigurado niyang kapag buong linggo na busy sila ay nakalaan na talaga ang araw ng Linggo para sa kanyang pamilya at para sa pagsisimba. Pagkatapos din nilang magsimba mamaya ay didiretso siya sa bahay ng Mama niya para doon naman magtanghalian.
"Good morning loves," bati ni Lee na nakita niyang papasok sa kanilang kusina bitbit nito ang anak nila. Nag-aalalang napatingin siya sa anak niya na karga ni Lee.
Halos isang linggo ng ganoon ang anak niya at palagi itong matamlay. Noong nakaraang araw ay nilagnat ito ngunit matapos nilang painumin ng gamot ay agad namang humupa ang lagnat. Wala din itong ganang kumain at parang namumutla. Bigla ay nabahala siya at kailangan na siguro nilang dalhin sa hospital ang anak niya. Plano niyang ipa-check-up ito noong nakaraang araw ngunit agad naman na nawala ang lagnat kaya hindi na nila dinala.
"Nilalagnat na naman siya loves?" tanong niya kay Lee ng makalapit ang mga ito.
"Oo," anito at agad na naupo sa stool paharap sa kanya. Nakakandong ang anak niya dito habang nakayakap kay Lee.
Nilapitan niya ang mga ito at sinalat ang noo ni Rhythm mainit nga ito. "What happened to you baby?" tanong niya sa anak na namumungay ang mga mata. Hinawakan din niya ang kamay nito at may napansin siya sa braso nito. Parang may pasa. Sobrang init din nito.
"I'm not feeling well Mama," mahinang sagot nito sa kanya.
Pero hindi niya iyon pinansin. "Yaya bakit may pasa si Rhythm?" tanong niya kay Yaya Melda na kasama niyang naghahanda sa kanilang kusina.
Kahapon ay wala pa naman ang mga pasang iyon.
"Po?" nagtatakang tanong nito.
Iniangat niya ang manggas ng suot na T-shirt ni Rhythm at nakita niyang may maliliit na pasa din doon. Napakunot ang noo niya. "Yaya saan niya 'to nakuha?"
Lumapit si Yaya Melda sa kanya. "Ma'am hindi ko po alam hindi naman po 'yan naglilikot si Rhythm noong magkasama kami kina Ma'am Narda," anang yaya sa kanya.
"Baka nakuha lang niya sa kakagalaw niya normal lang naman 'yan sa mga batang lalaki ang maging malikot," wika naman ni Lee sa kanya. Sinipat ni Lee ang mga pasa ni Rhythm. "Ang liit nga nito eh."
Pero hindi pa din siya makapante sa sinabi ng mga ito. "Magpa-pa-check-up tayo mamaya after ng mass," saad niya sa mga ito at bumalik na sa pagluluto.
"Loves maliit na pasa lang 'yan nothing to worry about, diba baby?" tanong pa ni Lee sa anak.
Tumango lang si Rhythm at yumakap sa ama. Parang itong giniginaw. Hindi nalang din siya nagsalita pero may umahong kaba sa kanyang dibdib habang naghahanda na sila para mag-agahan. Nasa isip na niyang pupunta sila ng hospital pagkatapos nilang magsimba.
Habang kumakain sila ay napansin niya ang pagiging matamlay ng anak. Kahit na kinukulit ito ni Lee katulad ng palaging ginagawa ng mga ito ay parang walang lakas ang anak niya at nanatili lamang siyang nakamasid dito. Natapos na ang pagkain nila at dinala niya ang anak sa silid nito at pinaimon ng gamot. Mas lalo lang itong uminit at gininaw kaya mas lalo lang siyang nabahala.
"Anong nararamdaman mo baby?" tanong niya sa anak habang nakayakap sa kanya. Ayaw nitong mahiga at gusto ay nakayakap sa kanya o kay Lee. Hindi ito sumagot at nakita niyang nakatulog na ito sa kandungan niya.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Lee. "Dalhin na kaya natin sa hospital," anang asawa niya ng makalapit sa kanila at salatin ang noo ng anak niya. Parang mas tumaas kasi ang lagnat nito.
BINABASA MO ANG
Piece by Piece (To Be Published Under PHR)
RomanceAng tanging alam ni Musika para iligtas si Lee sa miserableng buhay nila ay tuluyan na itong pakawalan. Pero salungat iyon sa paniniwala ni Lee na kailangan nilang ipaglaban ang kung ano man ang meron kahit pareho na silang nasasaktan. Pero determin...