Chapter Five

702 27 2
                                    


DALAWANG buwan na ang lumipas at kung mayroon mang improvement na nangyari sa anak niya ay lumipas na din. Mas lalo itong ginupo ng sakit at ngayon ay may nakasuporta ng oxygen dahil nahihirapan na itong huminga. Sa loob lang ng dalawang buwan ay agad na bumaba ang immune system nito. Wala na ang bakas ng dating Rhythm. Napalitan na iyon ng isang matamlay at mahinang bata na halos hindi nagsasalita at palagi nalang ay nakatingin sa malayo.

"D-darating pa ba si Daddy?" tanong sa kanya ng anak habang nakatanaw sa bintana at naghihintay kay Lee. May umahong galit sa dibdib niya ng maalala ang asawa. Ilang araw na nitong binibigo ang anak nila. Ilang beses na itong nangako na pupunta ng Singapore pero palagi nalang napo-postpone.

Pero siyempre hindi niya kailangang sabihin sa anak na baka hindi na naman makakarating ang ama nito dahil alam niyang mabilis na magtampo si Rhythm. "Parating na yun siguro baka na-delay lang sa Philippines," aniya sa anak na hinaplos ang mga kamay nito.

"You always said that but daddy won't make it again," malungkot na wika nito at nakita niyang parang papatak na ang mga luha kaya agad na humarap siya.

"Baby alam naman natin diba na kailangang mag-trabaho ni daddy para mas gumaling ka pa? Para makauwi na tayo diba?" tanong niya sa anak. "Don't worry okay, daddy will make it." Pang-aalo pa niya dito at nakita niyang kahit papaano ay nakakaunawang tumango ito sa kanya.

Tatlong taong gulang palang ang anak niya pero kahit papaano ay naiintindihan na nito ang kasalukuyang sitwasyon. Pero may pagkakataon talaga na hindi nawawala ang pagiging isang bata nito at minsan ay nagwawala ito lalo na kapag may nararamdamang sakit. Two months had been a hell for her. Nasasaktan siyang makita na nasasaktan ang anak niya at wala siyang magawa.

Hindi natinag ng chemotheraphy ang mga cancer cells ng anak niya at nakikita ng mga doktor na naging mabilis ang pagkalat niyon sa spinal cord nito. Nakita iyon sa naging imaging test nito at ngayon ay pinapangambahan na baka kumalat iyon sa utak nito. Nakitaan din ng sintomas ng tumor lysis ang anak niya na karaniwang ng nangyayari sa mga batang may ALL. Sa bawat chemotherapy nito ay palagi nalang itong nagkakaroon ng relapse at nahihirapan ang mga doktor na pataasan ang dosage nito lalo na at baka hindi kayanin ng katawan. Naging problema din nila ang graft versus host disease kung saan hindi tinatanggap ng katawan ni Rhythm ang mga treatments. Kung tanggapin man iyon ng katawan nito palilipasin lang ang isang linggo at mararamdaman na ng anak epekto niyon.

May hindi magagandang side effects na nangyayari sa katawan nito. Suhestiyon nga ng kanilang doctor ay sumailalim na sila ng stem cell plantation. Iyon na ang huling resort nila ngunit mas malaking pera ang kakailanganin nila. Marami man ang tumulong sa kanila ngunit kulang pa din ang mga iyon kung magpapa-stem cell plantation at wala ding kasiguraduhan kung magiging successful iyon. Although nangako ang doktor na marami ng napagaling na ALL cases dahil sa stem cell ay nababahala ang mga ito dahil hindi nga tumatanggap ang katawan ng anak niya ng mga treatments. Pero kung siya ang tatanungin hangga't kaya ng anak niya ay maghahanap siya ng paraan para matuloy ang stem cell treatment nito. Umuwi na din ang mama niya na naging kasama niya doon ng ilang linggo. Kailangan na nitong umuwi dahil sa negosyo nila.

"He's sleeping wala na bang masakit sa kanya?" isang malumanay na boses ang pumukaw sa kanyang pagmumuni-muni.

Tiningala niya at nginitian ang may-ari ng boses na iyon si Evan Ty isang nurse sa Parkway East Hospital kung saan sila naka-confine ngayon. Isa itong Filipino-Singaporean at isa itong Pediatric Nurse Specialist na naka-assign sa kanila.

"Masakit kanina ang bibig niya at hindi siya makakain pero mayamaya ay nawala din naman kaya hindi na ako nagtawag ng nurse," sabi niya dito.

Matatas manangalog si Evan dahil ang nagpalaki naman dito ay ang inang Filipino at nagtatagalog ang mga ito sa loob ng bahay kapag nakikipag-usap. Naging kaibigan niya ito sa loob ng dalawang buwan pananatili nila doon. Dahil siguro may lahing Filipino si Evan kaya naging magaan ang loob niya dito. Isa pa noong mga panahong halos susuko na siya nandoon ang binata para sa kanya.

Piece by Piece (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon