Chapter Two

798 28 0
                                    


Chapter Two

One year later. .

DALI-DALI siyang bumangon at agad na nagtungo sa loob ng banyo na kanugnog ng kanilang silid. Nang magising siya ay nakaramdam siya ng panghihilo at hindi maipaliwanag na pang-amoy. Napapansin na niyang ilang araw na siyang ganoon pero hindi lang niya pinagtuunan ng pansin dahil noong una parang mild lang at kaya pang indahin. Pero ngayong umaga naging matindi iyon at may naamoy siyang mabaho paggising niya. Parang bigla gusto niyang sumuka dahil sa amoy na iyon. Lahat ng kinain niya kagabi ay parang nailabas niya. Nanghihinang napasandal siya sa bowl.

"Loves okay ka lang?" nakatulalang wika ni Lee sa kanya na parang naalimpungatan dahil sa ingay niya at biglang bumangon. Hindi ito makalapit sa kanya at parang takot na takot.

"Loves naamoy mo ba ang naamoy ko?" aniya sa halip na sagutin ang tanong nito. Bigla ay suminghot-singhot pa siya.

Ginaya siya ng asawa at umiling ito. "Wala naman akong naamoy ah," nakakunot noong wika nito sa kanya.

"Loves meron talaga eh," kahit nanghihina ay bumangon pa siya at nilampasan niya si Lee para mapatigil lang. "Loves ikaw yata ang mabaho," sabi niya at binalikan ito sakay inamoy. "Yuck ikaw nga," aniya at lumayo dito na lukot ang ilong.

"Nakaka-offend ka na loves," tila nagtatampong wika nito sa kanya at inamoy din ang sarili. "Wala naman ah, ano bang klaseng pang-amoy 'yan?" anito at lumapit pa ito sa kanya pero lumayo siya dito.

"Please Lee, huwag kang lumapit sa akin, please nasusuka ako—" hindi pa nito natapos ang sasabihin ay bigla agad siyang tumakbo sa banyo dahil naduduwal na naman siya. Kahit wala ng lumalabas sa bibig niya ay naduduwal pa din siya.

"May trangkaso ka ba?" ani Lee na nag-aalalang lumapit sa kanya saka sinipat ang noo niya.

Hindi rin niya maintindihan ang sarili ng mga sandaling iyon kung bakit ang lakas ng pang-amoy niya pagdating kay Lee at kung bakit bigla-bigla ay nasusuka siya. Pinakiramdaman niya ang sarili at wala namang masakit sa kanya at mas lalong wala naman siyang trangkaso. Pero bakit parang may abnormalities yatang nangyayari sa katawan niya lately.

"Musika?" tawag ulit sa kanya ni Lee at nang harapin niya ito ay may kabang rumehistro sa mukha nito.

"Bakit?" tanong niya na dito na nagtataka.

"Dumating na ba ang period mo ngayong buwan?" tanong nito sa kanya

Bigla ay natutop niya ang kanyang bibig dahil sa sinabi nito. "Oh no," aniya at agad na nakuha ang gusto nitong ipahiwatig.

Ilang araw na nga siyang delay pero hindi niya iyon napapansin. She'd been busy doing the rehearsals para sa pag-uumpisa ng kanilang play kaya wala siyang napapansin sa katawan niya. Bumabawi kasi siya sa mga practice nila dahil noong nakaraang buwan ay nagkaroon sila ng take two honeymoon ni Lee. Sa Palawan sila nag-celebrate ng kanilang first year anniversary at tumagal sila doon ng mahigit dalawang linggo.

Sa loob ng isang taon na mag-asawa sila ay walang pinaramdam si Lee sa kanya kundi puro pagmamahal. Pwede niyang sabihin she had a perfect marriage life. Pero sabi nga nila it was too early to tell, they had forever to test their love pero wala naman kasi silang pagsubok na hindi nalampasan sa loob ng isang taon. Walang problema na hindi nila naayos. Hindi kasi sila natutulog na hindi napag-uusapan kung ano ang naging problema nilang dalawa.

So far, ang naging malaking conflict sa pagitan nilang dalawa ay ang pagsali niya sa teatro. She was an active member of Teatro Filipino at hindi niya nagamit ang kursong BS Physics. She had been performing for the group now for four years, isang taon lang siyang naging instructor sa isang state university at agad na nag-quit. Pumasok siya sa teatro and she found home. Pero hindi biro ang maging theatre actress dahil minsan kapag malapit na ang show ay full time palagi ang nako-consume sa mga rehearsals nila kaya palagi na ay nagagalit si Lee na umuuwi itong wala siya sa bahay. Pero na-explain na niya sa asawa ang trabaho niya at kailangan nitong intindihin na simula ng pakasalan siya ng asawa pinakasalan na din nito ang teatro na karugtong din ng buhay niya.

Piece by Piece (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon