"WHAT Sarangani Province? D-diba malayo 'yun?" sunod-sunod na tanong ni Ika kay Lee habang papunta sila sa airport—na ngayon lang din sinabi sa kanya ng binata na pupunta sila ng airport dahil kaninang nasa bahay silang dalawa ay sinabi lang nito na maghanda siya dahil mag-a-out-of town sila.
Akala niya sa Batangas lang o di kaya ay Laguna pero hindi niya alam na pupunta sila ng Sarangani Province. Hindi pa siya nakakarating sa lugar na iyon at minsan lang niya iyong narinig sa TV. Alam niyang malayo iyon at halos nasa dulo na din ng Mindanao at alam niyang medyo liblib ang lugar na iyon but the province was famous for it's virgin beaches na hindi pa masyadong nadi-diskubre ng mga turista.
"Yup, Sarangani Province, I thought that we will have our sixth honeymoon their." Anito saka kinindatan pa siya.
Normally, dapat ay kikiligin na siya tulad noong i-surprise din siya nito na pupunta sila ng Batanes pero hindi nga nomal ang sitwasyon nila. Kahapon nga ay nagising siyang napakaraming bulaklak sa kusina. Nang tanungin niya si Lee kung ano iyon ay gusto lang daw iparamdam sa kanya ng asawa na mahal na mahal siya nito. Kahit isang pagpapanggap lang ang lahat ng iyon ay hindi niya maiwasang maging masaya ng puso niya. At ang pusong masaya madalas ay umaasa. Hindi pa nakontento si Lee at dinala pa siya nito sa Enchanted Kingdon at pinaalala sa kanya kung ano ang kanilang masasayang sandali doon. Doon lang naman nangyari ang kanilang first kiss.
At ngayon honeymoon!? Jusme, ilang araw palang niyang pilit na iniiwasan si Lee at alam niya sa sarili niya na hindi magtatagal ay bibigay din siya dito. Wala pa siyang maisip na solusyon kung paano niya ito tuluyang maiiwasan na hindi ito makakahalata at ngayon ay nandito na naman siya sa sitwasyong ito.
Think Ika, think. Aniya sa sarili at kailangan niyang makapag-isip ng solusyon.
"P-pwede naman tayo sa bahay lang ah, hindi naman natin kailangang lumayo at isa pa ang layo-layo ng Sarangani," wika niya dito. Hangga't hindi sila nakakarating ng airport ay alam niyang may solusyon pa.
"Naisip ko kasi na baka nahihirapan ka at umiiwas ka sa akin kapag nasa bahay tayo dahil naiisip mo pa din si Rhythm. I know it is hard for you at nahihirapan din ako pero don't you think it is about time na makabuo na ulit tayo? Matagal na panahon na na-stuck ang pamilya natin," puno ng sinseridad na wika ni Lee sa kanya.
Sunod-sunod na napalunok siya dahil sa sinabi nito. Unti-unti ay umaahon na ang takot niya. Hindi niya ine-expect na magiging ganito kaaga darating ang mga kinatatakutan niya dahil kahapon ipasyal siya ni Lee sa Enchanted Kingdom at para silang mga bata ay ang saya-saya niya. Sa unang pagkakataon sa buhay simula ng mawala ang anak niya at mawalay siya sa asawa ay naging masaya siya. Kaya hindi niya inaasahan na baka ganoon din kaaga dumating ang kinatatakutan niya.
"Hindi ba at napag-usapan na natin ang tungkol sa pagkakaroon ulit ng anak," aniya dito na actually ay wala naman talaga silang napag-usapan. Kailangan na naman niyang gumawa ng kasinungalingan para malusutan ang isa pang kasinungalingan.
"Napag-usapan na ano?" tanong nito sa kanya.
"Na hihintayin natin na pareho tayong maging handa ulit, d-dahil alam natin kung gaano kahirap ang mawalan ng anak," pinipilit niyang huwag maiyak ng sandaling iyon.
Shit, ang hirap nito. Malaking parte ng pagkatao niya ng mga sandaling iyon na gusto nalang sabihin ang katotohanan kay Lee pero natatakot siya na baka hindi nito matanggap agad at may mangyaring masama dito.
"Kailan ba tayo magiging handa? Dahil ako handang-handa na dahil dalawang taon na tayong nagsasayang oras," mariing wika nito sa kanya at hindi niya alam kung galit ba ang nahihimigan niya o panghihinayang sa boses nito.
BINABASA MO ANG
Piece by Piece (To Be Published Under PHR)
Lãng mạnAng tanging alam ni Musika para iligtas si Lee sa miserableng buhay nila ay tuluyan na itong pakawalan. Pero salungat iyon sa paniniwala ni Lee na kailangan nilang ipaglaban ang kung ano man ang meron kahit pareho na silang nasasaktan. Pero determin...