-Chapter 5-

24 1 0
                                    

"Whaaaat!?" sabay na sigaw ni Irish at Patricia dito sa Starbucks. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.

Pero medyo natawa ako sa expression nila. Nabawasan ng konti yung sakit na nararamdaman ko. Hay!

"Calm down, guys. Nagiging bida tayo dito" pagpapahinahon ko naman sa kanila.

"Ah, hehe, sorry po." sabi nila at nagpeace sa mga tao.

Andito nga kami ngayon sa Mall. Ini-skip ko muna ang mga morning classes ko. Gusto kong marefresh from stress.

Kinwento ko na sa kanila.yung nangyari kanina at hindi sila makapaniwala.

"Grabe, di talaga ako makapaniwala sa news na itech. Hayys!" -komento ni Irish at dumekwatro.

"Oo nga, as far as I know may nanliligaw kay Thalia na taga UST. Hmm.." sabi naman ni Pat at nangalumbaba.

"Hindi nga!? Totoo!?" gulat kong tanong kay Pat.

Wala naman kaseng nababanggit sa akin si Thalia na may nanliligaw sa kanya eh.

"Uhmmm, yeah. Di niyo alam?" sagot naman ni Pat at sumipsip sa Frappe niya.

"Magtatanong ba si Dine kung alam niya. Haay, Pat naman. Hahaha" pang-aasar naman ni Irish.

"He, sumosobra ka na ah. Palagi mo na lang akong binabara." sabi ni Pat at tipong babatukan si Irish. Katawa talaga tong mga to.

"Hahaha! Inidoro lang ang peg Pat!?" pangaasar pa ni Irish.

"Hey, tama na yang bangayan." saway ko sa kanila ng mabalik na ako sa huwisyo.

Biglang nagring yung phone ni Irish. May tumatawag ata.

Tinignan nya yung screen ng phone niya and uttered something.

"Thalia's calling"

"Answer, it's okay, hindi na kayo kailangan pang madamay sa alitan naming dalawa." sabi ko and flashed a weak smile.

"Sure ka dyan Dine?" tanong ni Irish na mukhang worried.

"Oo naman" pag-aassure ko sa kanila.

"Nga pala girls, una na ako ah. Pasok pa ako sa klase ko eh. Byeeee! Thankyou sa time."

Tumayo na ako sa upuan at tumalikod na sa kanila. Di ko na napigilan yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Palayo ako ng palayo sa kanila hanggang sa makalabas na ako sa mall. Don bakit ginaganto mo ako!? Di pa ba sapat yung mga sakit na ipinaranas mo sa akin noon!?

Dumaan ang mga araw na di kami nagpapansinan ni Thalia. Kapag kakausapin niya ako agad na akong umaalis. Di niyo ako masisisi, ang sakit lang kasi talaga.

Kahapon naman, umuwi ako ng bahay at nadatnan ko si Kuya Nike with another girl-na naman. Nagkasagutan pa nga kami eh.

-Flashback-

"Oh Nadine? Buti naisipan mo pang umuwi?"

"Wala kang pakealam. Yang babae mo ang pakealaman mo." sabi ko ng walang expression sa mukha habang patuloy paring naglalakad papuntang taas kung saan ang kwarto ko.

"NADINE! Anong nangyayari sayo!?" sigaw sa akin ni kuya Nike.

"WALA KA NA DUN!" sigaw ko at padabog kong sinara ang pinto ng kwarto ko

Sumalampak ako sa higaan ko at hi-nug ko yng pillow ko.

"I missed you" sabi ko habang mahigpit kong yakap ito. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nakatulog na ako.

-end of flashback-

Linggo ngayon and I've decided na gwin ko ang sunday rituals ko. Nag-ayos na ako and went to church.

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon