-Chapter 6-

25 1 0
                                    

Nadine's POV

"Babatuhin ko talaga yang dalawang yan kapag hindi sila tumigil" nangangalaiti kong sabi kina Irish at Pat.

"Chill Nadine! Wala naman silang ginagawa sayo." pagpipigil sa akin ni Irish.

"Tsk." sabi ko nalang at idinuko ko ang ulo ko sa mesa. Nasa Lerkie's kami ngayon. Mini bar na pag-aari ng magulang ni Patricia.

Pano ba naman kase no. Eto ah, sasabihin ko sa inyo ah. Alam ko namang akong tama dito eh. Pano ba naman kase. Alam mo yun!! Yung feeling na, yung feeling naaaa, ahhhhh!! Yung may dalawang tao sa harap mo na sweet na sweet. Bastusan lang!? May broken hearted dito oh. Sarap ipalapa sa buwaya. Maghihiwalay lang din naman yan. Agggghh!!

Diba!? Diba!?

Anyway highway, it's Monday. Malapit na ang Christmas break at ilang months na lang gagraduaaateeeeeee na aakooooooooo!!  Oh diba?

"Nga pala may bagong bandang magpeperform ngayon girls. Yung vocalist ng bandang to, eh sikat daw sa Lasalle." pambabasag sa katahimikang sabi ni Pat.

"Pogi ba Pat?" agad namang usisa ni Irish.

"Basta lalaki talaga no Yish." natatawang sabi ni Pat. "Well, ikaw na kumilatis, maya maya tutogtog na sila. O ayan na pala" sabi ni Pat at tumingin sa direksyon sa may pinto.

"Ay syet Pat, ang popogi" sabi ni Irish at hindi na tinanggal ang mata dun sa may hawak na gitara.

Tinaas ko na ang ulo ko at inasar si Irish.

"Baka matunaw. Wag masyadong titigan. Hahaha!"

"Na love at first sight ata ako guys. I'm Inlove naaaa dun sa guitarist!" conyong sabi ni 

Yish na tila may pusong mga kumukititap sa mata niya.

"Lul. Love at first sight ka dyan. Para sa mga tanga lang yan" hirit ko naman sa kanya.

"BITTER KA LANG!!" sabay nilang sigaw sa akin ni Pat.

"Whatever!" sabi ko at tumingin na sa stage kung saan inaassemble na ang mga gamit na gagamitin ng banda sa pagtugtog.

Bumaba naman yung lalaking may hawak na drumstick papunta sa, amin??

Infairness, gwapo din to, pretty boy type.

"Uy Pat, wala pa yung vocalist namin. Pano nyan?" sabi nung lalaki at tila kinamot pa ang ulo. Bigla namang namula si Pat. I smell something. Uhhhm...

"Ahhm, ganun ba. Wala bang pwedeng magsub muna sa kanya sa isa sa inyo?" tanong naman ni Pat.

"Uhmmm.. Actually lahat kami marunong kumanta kaso alam mo namang si Julian lang ang may kapal muks kumanta sa harapan. Uhmm.. Request ko lang sana na.. na.. na ikaw na lang ang kumanta muna. I heard you singing last time nung nagpunta ako dito. And ang ganda ng boses mo" pagrerequest naman nung guy at pambobola. TSK. Nagblush na naman ulit si Pat.

Hindi makakibo si Pat ng dahil sa kilig. Halata naman.

"Plssss" pagpipilit pa ni drummer boy.

"Oyyy, kung sino ka mang lalaki ka. Sila Pat may ari ng mini bar na to. Bakit mo siya papakantahin?" nanghahamon kong tanong sa kanya.

"Ikaw ba kinakausap ko?" matipid nyang sagot sa akin.

"Aba'y bastos pala dila nito eh." sabi ko at akmang babatukan na siya ng pigilan ako ni Irish.

"Ay, sorry kuya, sige Pat, kanta na. Ako na bahala dito." pagpapaalis ni Irish.

"Hoy lalaking drummer na Payatot, di pa ako tapos sayo. Humanda ka sa akin mamaya" pahabol kong sigaw sa kanya na hila hila si Pat sa taas ng stage.

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon