-Chapter 8-

23 1 0
                                    

"Ang tahimik mo ata Julian" sabi ko at tinignan siya habang nagdadrive. Pupunta nga daw kasi kami sa mall sabi niya.

"Drew na lang i-tawag mo sa akin." sabi niya at tinignan ako ng nakangiti.

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Wala lang. Gusto ko lang na iba yung sayo." sabi niya ng nakatingin parin sa daan na dinadrive pero halata ko ang mga ngiti niya.

"Nga pala, bukas, punta kayo ng barkada sa bahay. May okasyon" dagdag niya pa.

"Anong meron?" tanong ko naman.

"Secret. Basta punta na lang kayo. Bandang hapon. Pakisabi na lang kina Pat at Irish." nakakaloko niyang sabi.

"Ah osige Jul-"

"Drew nga sabi eh." pagkocorrect niya sa akin.

"Ah, hehe, sige Drew." sabi ko at tumahimik na lang ako.

Saktong andito na kami sa parking lot ng mall at pinark na niya ito. Tahimik lang kaming nang bigla siyang magsalita.

"Nadine" tawag niya sa akin at parang may gustong sabihin.

Tinignan ko lang siya na parang sinasabi ko na ano yung sasabihin niya.

"Alam kong wala pang isang buwan nung nakilala kita pero eto ang gusto ko laging ipaalala sayo. You're the best girl I've ever met. Please always stay in my life." sabi niya ng eye to eye sa akin at medyo lumapit pa siya sa akin at bigla niya akong yinakap.

"Nadine, I love you and I will always love you. Hindi ako mapapagod na sabihin sayo to. I love you Nadine."

O.M.G

"Julia--" magsasalita na sana ako kaso I was cut by him again.

"Drew nga sabi eh." sabi niya at hinarap ako.

Hinawi niya ang buhok ko at isiniksik ito sa tenga ko. Pinagmamasdan niya lang ang mukha ko na wari'y minememorya niya ang bawat parte nito.

"Nadine, sinabi ko lang ito para malaman mo ang nararamdaman ko sayo. Hindi ko kailangan ng sagot agad. Marami pang araw, buwan, taon ang dadaan at di ako magsasaawang patunayan sayong mahal kita."

Hindi ko na napigilan ang mga emosyon ko. Niyakap ko na lang bigla si Julian.

"Thankyou Drew. I owe you a lot"

"Oh, bakit ka umiiyak? Di bagay sayo Ms. Masungit. Smile na yan oh" sabi ni Drew at pinunasan gamit ang hinlalaki niya ang mga luha ko sa magkabilang side.

Natawa naman ako bigla. 

"Oh Ms. Sungit, tara naaaa, libre lahat ngayong araw."

"Baliw ka talaga!" sabi ko at bumaba na kami ng kotse.

"Uy Nads, may dumi yung kamay mo." sabi naman niya. Napatingin naman ako sa palad ko pero wala namang dumi.

"Wala naman ah" nagtataka kong sagot sa kanya.

"Akin na nga, meron kaya oh!" sabi niya at hinawakan ito.

Nagulat naman ako ng in-intertwine nya ang mga daliri niya dito.

"Ah-eh, wala na yung dumi Jul- ay este Drew." sabi ko at tinatanggal ko ang kamay ko sa kanya.

"Ano ka ba, nandyan pa eh. Bukas pa daw aalis kaya dapat takpan muna daw ng kamay ko. Gets mo?" sabi nya at nagpapogi pa.

"Ahhhhh" sabi ko na lang at lumakad na kami papasok ng mall.

Hindi na niya tinanggal yung kamay niya. Kainessh! Pinatitinginan tuloy kami. Haha

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon