-Chapter 7-

23 1 0
                                        

"LERKIE'S TAYO AFTER SCHOOL GUYS! Sunduin namin kayo ng 5:00 p.m. Ingat girls."

Nagtext naman si Gerald. Ang caring talaga nito.  Tutal wala naman akong gagawin. Ay wait, kailangan ko pa lang pumunta sa office ni Prof. Carbonel. Nakalimutan ko ngang pumunta kahapon eh para mameet ko yung partner ko sa pageant. Lagot!

Pagkatapos ng klase ko nagpunta na ako sa office ni Prof.

Pagkapasok ko sa room nagsalita si Prof.

"O ayan na pala yung partner mo eh."

May nakita akong lalaking nakatalikod at tila nagmamasid sa mga gamit sa office

O

M

G

"Don?" napasigaw na lang ako sa gulat.

"Hi Nads." sabi niya ng may nakakalokong ngiti.

"Ms. Villafuente! Ms Villafuente! Uyyy!" napabalikwas na lang ako ng marinig ang tawag ni Prof. Haaaay, ano na naman tong naiimagine ko. Haiist!

"Sabi ko Nadine, hindi makakarating yung partner mo ngayon baka bukas mo na siya mameet. Kahapon naman siya ang pumunta pero ikaw ang wala. Mga batang to oh! Sige makakauwi ka na"

"Ah osige po Ma'am. Ingat po."

Lumabas na akong campus at sakto namang tumatawag si Payatot.

"Hoy! Ikaw na lang wala dito sa kotse. Ang kupad mo talagang maglakad."pambungad ni Jerek aka Payatot sa akin sa telepono.

"Lagot ka sa akin pag dating ko dyan Payatot. Humanda ka talaga." sabi ko at binabaan ko na siya.

Tumakbo na ako dhil nanggigigil na akong sapukin yung payatot na yun.

Natatanaw ko na yung sasakyan hanggang sa makarating na ako.

"Hetooo paraaa sayooo Payaatoot" sabi ko at pinagsasabunot ko siya.

"Aray, aray, hoy panget, bitawan mo nga ako. Hoy awatin niyo to!!" sigaw ni Payatot pero tawa lang ang natanggap niya sa barkada.

"Uy Dine, tama na yan,nasasaktan na si Je" hirit naman ni Pat.

"Uyyyy pinagtatanggol" sabay sabay naman asar ng iba. Napaghahalataan eh.

"Kilig na nyan si Jerek. Ayieee" panggagatong pa ni Rald at nagboses babae.

At ayun si Blake, poker face. May sariling mundo talaga ang bwisit. XD

Tinigilan ko na si Jerek at umupo na sa backseat katabi ni Blake.

"Hoy! Bat ang tahi-tahimik mo!?" tanong ko kay Blake.

And as usual hindi naman ako sinagot.

"Ah kawawa! Di pinansin ni Blake." asar naman ni Payatot at binelatan ako.

"Isa pa Jerek Payatot at hell no hair ka na." sabi ko at pinanglakihan ko sya ng mata.

"Waatebeeer! Tara na nga Rald, drive mo na!" inis namang sigaw ni Payatot.

"Si Julian wala pa." sabi naman ni Blake.

Nagulat naman ako sa pagsasalita ni Blake kaya napasigaw ako.

"For the first time in forever!!"

"TSK." inis na bulong ni Blake.

"Oh ayan na pala eh." sigaw naman ni Gerald.

"Pre, dito." at kinaway nya pa ang kamay niya.

Nabaling naman ang atensyon ko kay Irish.

"Yish, tahimik mo ata. Bagong buhay lang!?" pang-aasar ko sa kanya.

Maybe It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon