IKA-7 PARTE

5 2 0
                                    

Dear Diary,

Eto nanaman ako diary,kumakain ng Breakfast Before I go to school. Buti pa yung Fast may Break noh? Saaaarrruuutt.
Hindi ba nagsasawa si mommy na lutuan ako ng pagkain araw-araw? Para lang makapasok ng maayos sa school na yun? tsk!

"IKAAAAYYY!! Bilisan mo ng kumain dyan at malelate ka naaa!!"ang ganda pakinggan ng paulit-ulit yan diary alam mo ba? Well,kung hindi...Gusto mong itry? Tara palit tayo dal---

"IKAAAAYYYYYYYYY!!!!!"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH! kbye.

Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha yung kalahating bahagi nung hotdog na sarap na sarap pa naman akong kinakain yun ng marinig ko yung napakagandang boses ng aking pinakamamahal na Inay.Ambait nya no? hindi man lang nya pinaubos muna sakin yung hotdog. Sayang! may itlog pa naman. Hmp! Agad din naman akong nagtoothbrush pagkatapos non.

So yun na nga pagkatapos ng lahat ng paghihirap at pasakit-----Charrr!! grabe naman yun diary. Palabas na ko ng gate ng bahay ng may bumungad saking maaliwalas sanang harapan ngunit yun nga bumungad sakin yung itim na kotse----Omyghad.

"MOMMY!!! MOMMY!!! MOMMMYYY ISSSAAAAYYYY!!!! MOM----"

"Oh?! Lintek kang bata ka,ang ingay-ingay mo!"

"Kikidnappin nila ko mommy!! tignan mo yung itim na kotse! kikidnappin nila koooo!! huhuhuhu! Tumawag ka ng mga sundalo mommy daliiiii!!"

"HA?!"

Hindi na natapos ni mommy yung sinasabi nya diary ng may biglang lumabas sa main door nung kotse na nasa harapan namin!

'Huhuhuhu! papa god ikaw na pong bahala sa magandang katulad koooo! huhuhuhu!'

(Ps:wag mo ng kontrahin yung sa main door lols.)

"Ang ingay ingay mo beshiewaappp! Jusme nakakasira ka ng beauty!"

Nagulat na lang ako ng tumambad sa akin si Baklang Den na nakaupo at nakahawak dun sa may manibela sa may drivers seat!

"Oh! Anong isinisigaw-sigaw mo dyang bata ka? si Den naman pala yung lulan ng kotse't hindi mga kriminal Jusko! Pati mga sundalo idadamay mo pa dyan sa mga ka ek-ekan mo! Hala sige na,sumabay ka na kay Den,Late ka na!"Huling sabi na lang ni mommy.

"Sige po tita."sabi nya kay mommy at tinanguan naman sya nito.

"Nako! naloka ko sayo bakla!"baling naman nya sakin at inirapan ko na lang sya.At ano daw? ako yung bakla? diba sya yon? Duuuhh. Babae ako no! Patunayan ko pa senyo eh! Charot. Bawal yun whahahahahaha.

So yun na nga diary,nakarating kami sa school ng maayos at mapayapa.Mamaya ko naman isusulat yung mga susunod na pangyayari ah? Iloveyou diarryyyy! Muwaaahh!

~IKAYCUTESEXYATMAGANDA

Searching For The One... (IKAY's DIARY)Where stories live. Discover now