IKA-10 PARTE

4 1 0
                                    


Dear Diary,

So ayun,Dumating ang oras ng uwian at nadatnan ko sa Pintuan ng classroom namin si LeytonMyBabe. AWIEEEEEE. yung mga mata ko nagiging hugis puso nanamannnnn! Asul na pusoooooo. (Ps:Meron non.)

"You' Ready?"agad na bungad nito sakin,nasa harapan nya ko at nananatiling nakatitig sa mga kulay Berde nyang mga mata. (Ps:Meron din non Hanueba!)
Nagmimistulan akong Hinihipnotismo ng mga nagagandahan nyang mga mata na ayaw magpaawat.

"Ah? Ikay? You' okay?"pag-uulit pa nito sa sinasabi nya ngunit hindi ko pa rin magawang makasagot!

"Ahm---Nag woworry lang ako.Baka kasi Pagpantasyahan yang Bibig mo mga alam mo na... 'Flies.'"Aba?! So ayun! hindi na talaga ako nakapagpigil. Inis akong Iniiwas ang paningin ko sa kanya at nagdirediretso na lang sa paglalakad patungong kawalan. (Syempre charot lang.)

Habang naglalakad ako at ramdam ko ang pagsunod sa akin ni LeytonKo ngunit hindi na sya nagsalita pa. Hmp! Balakajan.

"Ikay!"nagulat ako ng may biglang tumawag sakin galing sa likuran ko,Nadatnan kong tumatakbo papalapit sa amin si Den. Psh! kala ko pa naman si Leyton my babe na. Dinakitabate.

"Uy? Beshie."Simpleng ngiting bati ko naman sa kanya. Tuluyan na syang nakalapit sa amin kaya naman Tumabi sya kaagad sa akin at sa tingin ko ay dalawa na kaming sabay na diretsong nakatingin ke Leyton My Babe. "Hano na jusme?! Akala ko ba tapos na yung eksena nila kanina? Ano may part two pa? Aba! hilig din naman pala ng dalawang ito ang pagtititigan eh!"

Ngunit mabilis din namang ibinaling sa akin ni Beshie Den ang paningin nya at sabay na inilagay ang dalawang kamay nya sa balikat ko. At diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo? makikipagdate ka ba talaga sa Payatot na puro pakilig na yan?"seryosong sabi nya sakin. Katamtaman lang ang lakas ng pagkakasabi nya kaya nakasisiguro akong hindi iyon narinig ni LeytonKo. 'Nako! pasalamat ka beshie hindi nya yon narinig kung hindi naupakan ka na nyan"

"Ah,Bakit naman hindi? tsaka first time kong makipagdate no."Sagot ko pa sa kanya.

"Yun na nga eh,First.Time. Hindi basta basta ang pakikipagdate Ikay.Dapat pinag-iisipan mo ng mabuti yan. Ano? isang tanong lang ng payatot na yan payag ka na? Hindi pwede yon."sabi nya pa at sakto namang tinanggal nya ang dalawang kamay nya sa magkabilang balikat ko. Btw. Nandito kami ngayon sa may parking lot dahil ewan ko rin.

"Ok lang yun beshie."sabi ko pa sa kanya at ramdam ko ang pagkadismaya sa mga mata nya. May halo din iyong lungkot kaya nararamdaman ko ring hindi nya gusto ang naging desisyon ko. Nagiging seryoso sya ngayon lalo na't hindi ko nakikita o naririnig ang mga bagay na Dati nyang ginagawa.

"Hays.O sya sige."sabi nya lang at agad ding ibinaling ang paningin ke Leyton at nadatnan namin itong Nakakunot na ang noo.

"Oh ano na? Tapos na kayong magdramahan?"nagulat ako sa iniastang iyon ni BabyLeyton ko. May hindi ba talaga ko alam na nagaganap sa pagitan ng Bespren ko at ng Pinakamamahal ko? huhuhu! sabihin nyo saken ngayon na!

"Nah.Kinausap ko lang yung 'Bestfriend' ko ng saglit. Pinaalalahanan ko lang sya na mag-ingat sayo. Tch!"Sarkastikong sabi ni Beshie ke Leyton at agad din naman tumaas yung kilay nung isa. Wew.

'Lovers Squirrel.'

"Oh Really? Well. Wala naman akong gagawing masama. Depende na yan sa nakapaloob sa utak mo. Napapraning ka lang."sabi pa nito at agad din namang kumunot ang noo ko. Eh?

"Tch! Andami mong dada. Tumatakbo ang oras,Hindi maaaring maabutan ng gabi si Ikay Bago makauwi sa bahay nila. Naiintindihan mo? Ingatan mo yan." sabi pa nito at agad ding naglakad papalayo sa amin habang nakalagay pa ang magkabilang kamay sa dalawang bulsa ng pantalon nya.

"Let's go?"sabi pa nito at tumango lang ako. Nagpatulog na kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang kinaroroonan ng kotse nya.

Nagpatuloy lang kami sa byahe at tahimik lang akong Nakasandal sa may tabi kong bintana. 'Hayyy.'

Sige na,Saglit lang mga beh. Pagpapahingahin ko muna tong nagkukumawalang mga Asul na puso ko.

~IKAYCUTESEXYATMAGANDA

Searching For The One... (IKAY's DIARY)Where stories live. Discover now