IKA-14 na PARTE

4 1 0
                                    


Dear diary,

Naging mabilis masyado ang usad ng oras at panahon at dumating nanaman ang araw ng lunes. Kailangan kong humabol sa mostly terror subjects ng tatlong terror Teachers namin.Alam mo naman,Pag terror ang teacher--Bawal ang shushunga shunga at baka madrop ka ng napakaaga. Bahala ka,ikaw din ang magsisisi pag hindi mo natupad ang pinakawiwirdong mga pangarap kaya kung ako sayo.. 'Umiwas sa Terror Teachers.'

Naglalakad ako kasabay ang pinakamagaling kong bestfriend. Ayaw humiwalay sakin,Kesyo daw baka balikan ako nung sakit kong baka kung ano pang mangyari sakin. Ganyan na ba talaga ka OA ang isip ng mga bakla? Kaya ayokong nagkakasakit eh. Kung makapagreact tong isang to kala mo mamamatay na ko anytime.

"Woi? Bakla,Anong iniisip mo dyan? Mukhang malalim ata ah? Kasama ba ko sa iniisip mo ha?" Ngingiti ngiti pang tanong nya.

Iniisip siguro nya baka sinasabihan ko na sy ng maganda sa isip-isip ko. 'Asa pa sya no.' Cute lang sya. Maganda ako.

"Hinde."Diretsang sagot ko sa kanya.

"Kakagaling mo lang sa sakit bakla tapos ganyan pa treatment mo sa cute na tulad ko? Shupakin ko kaya yang kaluluwa mo baka sakaling magising ka sa katotohanang nasa reyalidad ka't bawal ang nagdedaydreaming habang naglalakad! ghaaad! natatakot ako ng bonggang-bongga para sayo bakla!"oh,Tanyo?

"Nako ka! bati na tayo.Wala lang ako sa mood ngayon eh. Ah! ganto na lang,What if,pagkauwian punta tayong bookstore? sabay tayo biling booooks! yieeee!"kinikilig kilig pang sabi ko sa kanya. Lumawak naman ang mga ngiti nito at
agad na tumango.

'yan lang ang nakakapagpasaya samin.'

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating nanamin ang Tapat ng room. Nakasarado ang magkabilang pinto munit batid kong may nagtuturo na sa loob niyon. 'Nandyan na si Sir Hayowphino' Ang pangit nung pangalan no? parang sya. Dejoke,Baka madropped ako ng di oras.

Nagtuloy tuloy lang kami at si Den na ang kumatok sa pinto.

*Knock!* *Knock!*

Bumungad samin ang isa sa mga classmates. Syempre,akala mo boss dito yang walangyang titser namin,Pati pagbukas ng pinto hindi pa magawa. Patapon ko to sa north korea eh. Ginigigil ako ang kingina.

Nasa bungad kami ng pinto at sabay kaming nag-goodmorning dito kay Ser. Dahan dahan itong lumapit samin at as usual,Tinaas nya nanaman yung isang manipis yang kilay.

"Oh! At naisipan nyo pa talagang pumasok eh no?"panimula nito at tinignan kaming dalawa na parang nagtataka kung bakit kami nasa harapan nya."Alam nyo ba kung anong oras na?"taas kilay pa rin nitong tanong saming dalawa habang nagpapapalit palit pa ng tingin.

Agad na itinaas ni Den yung kanang kamay na at tinignan ito."It's 7:30am in the Morning sir."Magalang pang tanong ito at ramdam kong mas lalong tmaas ang isang kilay ng teacher namin.

"As you already said,7:30 in the Morning na,30 Minutes na kayong late! ano pang ihahabol nyo sa klase ko ah?! e kung ibagsak ko na lang kaya kayo pareho? Wala naman ata kayong ganang pumasok pa sa oras ng klase ko eh!"sunod sunod na sabi nito at nagkatingin naman kami ni Besshhyywaap. "Oh?! nagtitinginan kayo dyan?! Alam nyo ba kung ilang quizzes na ang namiss nyo? Mga wala ata kayong interes sa pag aaral eh! Ikaw?! Ms.Yanriza? Scholar ka pa man din! Tapos ngayon,magpapalate na kayong dalawa?! ano? Napagsawaan na ang sandamakmak na scholarships?!"

"Si ser ang ingay! Bwiset. Defeated tuloy ako!"nagulat kami sa malakas na kalabog ng armdesk nananggagaling sa pwesto ni Milky.Bakit milky? Lalaki sya,pero Yung mom and dad nya ang pumili ng milky na nickname dahil maputi ito. Kasing puti ni snow white,kagigil. Ang baduy ng pangalan. Ang taba pa naman tsk.

"Sssssiiinnnoo yoonnn?!!!" Nanlilisik ang mata ni Sir Hayowphino habang ipinapalibot ito isa isa sa anim.
Nagsimula ng magbulungan ang mga classmates namin sa loob,Ps:Pero rinig. ang tatanga din no?

"Halaaaa! lagot ka milkyyy.Pinarinig mo pa kasi eh!"

"Shushunga shunga ka rin no?"

"Laaaagooooott! Madadrop ka ng di oras."

"Bigti ka na milky lagot kaaa!"

"Kingina milky! dapat hindi mo na pinarinig!"

"Ayan naaa! nanlilisik ang mga mata ng matanda nating titserrrr!"

"Sir Easyhan nyo lang."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAH! sir! Ampangit nyo sa lagay na yan HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAH! S-s-ir hahahahahahahahahahah!"

Saglit Diary! hindi ako makarecover,Sa next chap na ulit natin itutuloy,Nakakahimatay tong scene na to Diary,Sige bye muna. MUWAAAAAH!

~IKAYCUTESEXYATMAGANDA

Searching For The One... (IKAY's DIARY)Where stories live. Discover now