IKA-11 PARTE

5 1 0
                                    

Dear Diary,

Woi! Hellooooo. Eto na.

Tumigil kami sa harap ng Isang Restau. na malapit lapit lang rin naman sa School na pinapasukan namin.

Nagdirediretso lang kami sa loob at Umorder lang sya at ako naman ay patuloy lang na nakatingin dun sa menu pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Parang hindi na tumatakbo tsk!

"Nakapili ka na?"sabi nito at bigla naman akong nagising sa sarili kong diwa. Sinabi ko na lang sa kanya na kung ano yung inorder nya ay yun na lang din yung akin. Tumango lang sya at agad na sinabi naman nya ito sa Waiter.

Habang naghihintay kami doon sa Inorder nya ay nagsimula na syang magtanong about sakin.

"Ihahatid na lang kita mamaya pauwi."sabi nya habang bahagyang nakangiti at tumango tango lang ako. Lumipas ang mga oras at walang tumatakbo sa isipan ko. Halaaaaa?! nasan na sina Joy?! Si Sadness?! tas yung tatlo nya pang kasamaaaaaa? Hindi ko naman sila pinayagang mag day off eeeehh! Huhuhuhu.

Inihatid nya ko sa bahay at patuloy lang akong naglalakad papasok ng bahay na animong walang gana at hila hila ko na lang ang bag ko gamit ang iisang daliri.

"Oh? Ikay,Sino yon?"tanong sakin ni Mommy. Nandito pa lang ako sa sala ay iyan na agad ang bungad na tanong nya. 'Syempre! nahihibang ka naba ikay? ano bang inaakala mong itatanong nya? Kung maganda ka? nako ikay,alam na ng Mommy Isay mo yun matagal na.'

"Ah,SchoolMate po."walang ganang sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Mommy.Nakasandal sya sa gilid ng pinto at nakacross arms pa.

"Yun ba yung Niyaya kang magdate?"sabi nya at tumango lang ako. Nagpaalam akong Pupunta muna ko sa taas at nagsimula na syang mag-alala.'Hindi sya sanay sa inaasta ko ngayon.'

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungong hagdan at ng makarating ako sa kwarto ko ay nagbihis ako kaagad at bumaling ang tingin ko doon sa cellphone ko na nasa tabing Maliit na lamesa ng kama ko.

Pagkatapos kong magbihis ay Agad ko itong kinuha at isinalampak ang sarili ko sa kama.

Kakabukas ko lang non at bumungad sa akin ang sandamakmak na messages ni Beshie Den.

~BESHIEWAPP~
12:40 Pm.

Woi! Ano ng nagaganap dyan? inform mo ko!

Seen.

~BESHIEWAPP~
12:41 Pm.

Beshieeeeee! Hanueba! Inform mo kako ako. Gigil mo na ako hmp!

~BESHIEWAPP~
12:42

Text back kaagad beshie. Gigil mo ako.

Marami pa syang text na bumungad sakin at patuloy ko itong binasa ng magsimulang sumakit yung ulo ko. Shet!

ARGGHHH. 'anong nangyayari?!'

Nagpapaulit ulit akong nagpaikot ikot sa kama ko habang hawak ko pa ang sintido ko. Arggggh!

~IKAYCUTESEXYATMAGANDA

Searching For The One... (IKAY's DIARY)Where stories live. Discover now