IKA-6 na PARTE

6 2 0
                                    

Dear Diary,

Nandito ko sa kwarto ko at hindi ko na kasama si Beshiewapp Den. Kasalukuyan kong ginagawa ang sangkatutak na assignments ko habang sinusulat ko to.

Ayieeeee. Mahal na mahal talaga kita diary no? aba dapat lang! para hindi ka na maghanap pa ng iba mong amo. Hmp!

So ayun,At dahil masipag akong mag-aaral at Estudyante--'Parehas lang yun diba?' Ginagawa ko ng nasa tamang oras at tamang panahon--'Eh?'ang mga Nagkukumpulan kong mga Assignments at Projects.

*KNOCK KNOCK!*

"Pasok po."magalang na tawag ko dun sa kumakatok. Sigurado naman akong si Mommy to dahil bukod sa kami lang dalawa ang Tao rito ay wala namang nagbalak na makitira o kaya naman ay umupa na Aswang,Multo,Dwende,Mangkukulam,Manananggal,Chanak,Nuno,Kapre at iba pa.

At Bukod sa Langgam,Ipis,Butiki,Gagamba, ay wala na naman kaming iba pang kasamang may buhay dito.

"Hindi ka pa rin tapos dyan?"nagtatakang tanong ni Mommy,dala dala nya ang isang basong gatas na may katamtamang init ng Tubig at kutsara. Atttt---nakahalo na.

"Sige nga mi.Satingin nyo po ba matatapos ako dito kung hindi ako inilublob ng Teachers ko sa sangkatutak na assigments na to?"sabi ko kay mommy at bigla naman syang nagpout.

"Nako kang bata ka! nako,buti na lang yang Beshiewapp Den mo ang sipag sipag mag-aral at ang talino pa. Sa tinagal tagal mo na syang kasama hindi ka pa rin ba nahahawaan ng kahit isang porsyento lang ng katalinuhan nya?"nakapout pa ring sabi ni Mommy,bigla naman akong sumimangot dahil narealize ko din sa huli yung mga sinabi nya.

Oo nga naman? bakit nga ba kahit konting Katalinunan hindi ako magawa gawang hawaan ni Beshie? tss. Bukod sa sakit,kahit na hindi nasasabi ng mga Professional and Non-Professional na mga Doktor yung tungkol sa nakapanghahawang katalinuhan ay hindi pa rin naman ako nagsasawang maniwala at manalangin na kahit konti ay mahawaan ako ng Kahit na sino.

"Tsk! yaan mo mommy Tiwala lang. F I G H T I N G!"sabi ko pa at sabay naman kaming nag apir sa isat isa. Ikaw ba diary? naiimagine mo bang may iaapir ka tas hindi kayo sabay? ang saya siguro non no?

Sa sobrang saya pwede ka ng bigyan ng Special Happy For you Jacket ni Kuya Wil. Ahihihi.

"F I G H T I N G!!"sabay pa naming sabi at sa wakas ay nagpatuloy na rin ako sa pagsagot sa mga assignments ko habang nasa tabi ko si Mommy.

Lumipas ang ilang minuto at sa wakas ay natapos ko na rin tong aasignments ko. Hayyyyss.

Sige na matutulog na muna ko ah? Iloveyou diaryyyyy! Sleep well. Muah!

~IKAYCUTESEXYATMAGANDA

Searching For The One... (IKAY's DIARY)Where stories live. Discover now