IKA-8 PARTE

8 1 0
                                    

Dear Diary,

Sa kabila ng walang sawang pagdidiscuss ng ilang teachers namin kanina,sa awa ni papagod,buo pa rin naman yung utak ko ngayon yieee. So yun na nga,balak naming pumunta ng canteen dahil nga Break time ngayon kasama si Baklang Den.

By the way nga pala diary hindi naman kami nahatulan ng late kanina dahil mas maaga pa kaming nakarating ni beshieewapp kesa sa princip---Ay este! First Lecturer awieeee.

So yun sabay kaming naglakad patungong canteen,Rinig ko pa rin yung tilian ng kung sino-sinong mga estudyante rito satwing nakakasalubong o kaya naman ay matanaw lang nila tong katabi ko. Kung pwede nga lang na ipagsigawan kong bakla tong si beshie ay ginawa ko na para naman hindi na marindi yung buong pagkatao't kagandahan ko sa mga pinaggagagawa nila eh!

"Ako na-oorder beshie mabait ako eh."Bigla na lang akong natauhan ng mapansin kong nandito na pala ako at nakaupo sa paboritong pwesto namin sa canteen. Tumango lang ako sa kanya at tuluyan na syang naglakad.Ilang minuto ko rin syang hinintay at tuluyan ko na ring natanaw si beshie na may hawak na tray ng mga inorder nya.

"Wala man lang bang thank you dyan ang bakla?"sarkastikong sabi nya pa.Sarkastiko din akong nagthank you at nagsimula na syang magpigil ng tawa,baliw talaga kahit kailan. Then yun,Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng biglang---

DUMATING SI BABYLEYTON KOOOOOOOO!! nagsimula nanaman yung bulungan na naririnig ko naman at yung mga tilian nilang kanina pa bumabasag ng eardrums ko!

At mas lalo pang namayagpag ang bandera na kampo ng mga nagbubulungan ng mapansin nilang papalapit si beybiLeyton ko sa gawi namin ni Den.

Nakatalikod si beshiewapp kaya hindi nya masyadong napansin yung paglapit samin ni LeytonMyBabe.

"Ehem."Medyo malakas na pag-agaw ng atensyon ni Leyton kay beshie Den na noon ay abalang-abala pa rin sa pagkain.Saglit itong natigilan at lumingon rin naman agad sa likod nya. Nahagip rin ng mga mata ko ang dahan-dahang pagkunot ng noo ni Den habang nakatingin pa rin sya ng diretso sa kinatatayuan ni LeytonMyBabe!

"I Just wanna' talk to Ikay."Mahinahong sabi ni LeytonBaby sa harap ni beshie den at dahan-dahang tumayo si Den at tinignan ng mata sa mata si BabyLeyton ko. HALAAAAA!! Baka magkainlove-an tong dalawang to! sinasabi ko na nga ba't may Relationship Affair sila eh! Paano ko ba to mapipigilan?! Hindi pwedeng maagaw sakin ni Den si Baby Leyton koooo!! maghanap na lang sya ng iba wag lang syaaaa!! Aha! kakanta na lang ako. Ahihihi.

"HETO AKOOOO! BASANG BASA SA ULANNN! WALANG MASISILUNGAN,WALANG MALALAPITAAANN...SANA MAY LUHA PANG! AKONG MAILULUHAAA!! AT NG MABAWASANNN ANG AKING KALUNG---"

*BOOOGGGOOOOGGSSHHH!*

Aba! bastos na kulog to ah?! Hindi man lang pinatapos yung last two Syllables nung chorus! Walanghiyaaaa hmp!

Inis kong idinilat ang mga mata ko dahil nga sa sobrang feel ko yung kanta at yung napakaganda kong boses ay nakapikit pa ko habang kinakanta ko yon.

At pagkadilat ko ay kitang kita kong ang lahat ng mga mata ng Mga taong nasa loob ng canteen ay nakatingin sa akin at kahit isa ay walang naiisipang gumalaw.Pati si Beshie at BabyLeyton ay diretsong nakatingin na rin sa akin at animong hindi inaasahan ang napakagandang boses na ngayon lang nila narinig. FIRST.TIME.IN.HISTORY to mga beeehh!

Sige saglit! nangangalay na yung kamay ko kakasulat. Bye muna,maya ko naman sasabihin yung mga susunod.Iloveyou diarryyy!


~IKAYCUTESEXYATMAGANDA

Searching For The One... (IKAY's DIARY)Where stories live. Discover now