IKA-2 PARTE

20 2 5
                                    

Dear Diary,

Bakit kaya walang nagbabalak na manligaw sakin? Sexy naman ako tapos maganda. Hayyyysss. Ganon na lang ba kachoosy yung mga kalalakihan ngayon?

Konti na lang talaga diary,Ako na yung magbabalak na manligaw eh. Pero bawal yun diba? Nakakabawas ganda points tsk.

"Hoy! Kanina kapa nagdedaydreaming dyan ateng!"Bigla na lang akong bumalik sa aking huwisyo ng Biglang pitikin ng Echoserang baklang to yung makinis kong noo!

Hindi ba sya binabagabag ng konsensya nya diary? Yung sabihin lang non na, 'Hoy! bakla,Wag mong idadampi yang kamay mo sa makinis at malinis na noo ni IkayGanda!' tapos, 'Hoy aba! Sinasaktan mo na si IkaySexy ngayon ah? Bawal yan! tigel!'

Yung ganon ba diary? Haaayy. Ewan ko ba kung pano ko to naging bespren!

"Gosshhh.Kalurki ka Masyado! Magtigil-tigil ka dyan at baka Mashupak kita!"sa pangalawang beses nyang pagpapatigil sa pagkukwento ko sayo ay sobra na talaga kong naiinis diary!

Bukas na bukas talaga pag dumatign yung si Mamang Ben na naghahakot ng basura sa Village namin,Ipapasama na kitang bakla ka! Leche.

Hindi ko na sya sinagot pa at sa halip ay tinignan ko na lang sua saglit ng masama at muli akong tumingin sa Kapaligiran ng GrassField ng LavRix Academy. Katabi ko sya at nagbabakasali akong makakahanap ako ng Machong Gwapong Estudyante dito ngayon.

At pagkatapos kong maisip yun ay bigla na lang akong nagitla ng Maligaw sa harapan ko ang Inaasam asam ko sa aking panaginip buong maghapon at Magdamag.

"Omg. Ikaw na ba si Mr.Right?"ramdam kong may nagfoform na mga puso sa aking Dalawang nagniningning na mga mata.

"Mr.Right ka dyan? Ghaaadd. Kaumay ka beh!"kahit kailan talaga panira tong Baklang toh!

Hindi ko na lang sya pinansin at sinundan ko na lamang ng tingin si LeytonMyBabe. and Yah. Halos apat na taon ko na syang gusto since First year pa lang ako.

4th year highschool na ko ngayon at konti na lang ay sawang sawa na ko sa Amoy ng eskwelahang ito. Bukod sa naamoy kong mga mababahong presence ng mga malalanding Girlalush dito.

Naiilang din ako sa amoy ng toxic na hangin dito. -.-

So ayun. Hanggang dito na lang muna tayo mga baklang Beshies! Kanina pako ginigigil ng katabi ko Huta!

"Shh.Tigilan mo na ang kakatingin dyan sa Leyton na yan Bes ah."saway pa sakin nito habang hinihila pa ang kamay ko paalis dito sa field dahil magsisimula na rin ang klase.

Ewan ko ba sa baklang to! Diba yung mga Beki's,Usually gustong gusto yung mga Gwapong Boys? lalo na yung mga Varsity Players. Tsk tsk! Sya ayaw na ayaw nyang nirereto ko sya sa mga Boys dito sa school. Galit na galit pa pag ginagawa ko yun! Ewan ko ba,Sige na eto na talaga Bye na muna!

Byeeeeee. Iloveyoudiaryyy! More than Most and More than you think! pero mas love ko pa rin si BeybiLeyton ko. Pero love din naman kita iiihh. Makulit ba ko? Aysh shurrii. Ganyan kasi talaga pag magaganda at Sexy Ahihihi.

~IKAYCUTESEXYATMAGANDA

Searching For The One... (IKAY's DIARY)Where stories live. Discover now