IKA-9 na PARTE

4 1 0
                                    

Dear Diary,

So yun,Hindi rin nagtagal at nagtigil din sila sa pagtingin lang lahat sa napakaganda kong appearance. Kaya ayun! namalayan ko na lang nakaupo na sa pwesto kanina ni Den si Leyton. Habang si Baklang Den naman ay nandon sa gilid ng pinto ng canteen at diretsong nakatingin sa gawi namin.Tsk! di mo maaagaw sakin ni Leytonko!

"U--uhm.May gagawin ka ba mamaya?"tanong nya sakin. Eh?

Bukod sa sangkatutak na assignments na pinaGawa nanaman saming ng Masipag naming lecturers ay sa tingin ko naman ay wala na kong gagawing iba.

"Assignments."diretsong sabi ko sa kanya at hindi ko ipinapahalata ang pagkailang ko buhat na rin ng bulungan ng mga taong nakapalibot sa amin.

"Ah,Aside from that."sabi nya pa with smiling face na mas lalong nagpailang sa kinauupuan ko ngayon. Ano namang pake nya don?

"Wala naman."sagot ko pa diary. Ayokong pahabain pa togn usapan! sabihin na yaaaaannn! huhuhuhu. Konti na lang talaga tatayo na ko dito sa kinauupuan ko at makikita nyo kong tumatakbo na palabas sa hiya!

Pero dahil Maganda at sexy ako ay papatapusin ko muna syang magsalita diary.

"So--Uhm,Can we go for friendly date?"diretsong sabi nya pa habang diretso ring nakatingin sa mga mata ko. Satingin ko ay hindi naman iyon narinig ng mga nasa loob ng canteen dahil nagsisimula na ring umingay.

At ano raw? Friendly date?! Watdahel is that?!

"E-eh?"pagreact ko na lang ng hindi ko mailabas sa bibig ko ang mga salitang dapat na sinagot ko sa kanya!

Haayyyss. Teka? anong oras na ba? baka late na kooooo! huhuhu. Tinignan ko sandali si Beshie Den ngunit matyaga pa rin itong naghihintay doon sa may gilid ng pinto.

Ano bang isasagot ko? Tsaka ano raw? Friendly date tapos mamaya na agad? ano sya chicks?! ghaaaadd. kung hindi ko lang talaga gusto to eh! Baka nga kung pwede ng mailibing ang puso ko ng mag-isa nung nakaraang nakaraang taon pa tas dun pa sa tabi ng bahay nila.      
d-.-b

"So,What's your answer?"sabi nya pa at saglit na natigilan naman ako sa pag-iisip ko ngunit heto nanaman! Ano bang dapat na sagot don?

"Kelan ulit?"tanong ko pa sa kanya pero narinig ko naman talaga yung tinanong nya obvious naman diba? may gagawin ka ba mamaya? like ddduuuhh. Kbye.Sinisigurado ko lang ano ba! Kase kung mamaya agad hindi ako makakapaghanda at makakapag-ayos ng sarili ko't wala pa kong napupuntahang Date daw kahit Friendly date nga hindi pa eh! maliban sa Family Date alam ko naman yun. Kasama yung Mommy ko tapos yung mga Ipis sa bahay namin yieee.

"After Dismissal."nakangiting sabi nya. After Dismissal ka dyan? sino naman ang matinong estudyante na imbis na pag-uwi sa bahay ang inaatupag pagkatapos ng klase ay inuna pang makipagdate?! Juicecolored!

"Don't worry,Ihahatid naman kita pauwi."sabi nya pa at ngumiti lang ako ng bahagya. Ihahatid ka dyan? kahit na ihatid mo ko pauwi wala ka pa ring panama sa Mala Rapper kong Mommy pag may hindi ako nasasabi sa kanya noh!

"Hmm...Sige."sabi ko lang at saktong nag ring ang Bells sa kabuuan ng School hudyat ng pagsisimula uli ng klase kaya naman dali dali na rin kaming tumayo kasabay yung mga iba pang estudyante sa canteen para bumalik na sa kanya kanya naming rooms. Halaaaa?

"Pupuntahan kita sa Room mo mamaya ha? sige bye. Have a great circuit of mind!"eh? ano daw? Have a Great Hair day yun diba? Baka binago na ng Gumagawa ng Commercial o kaya naman binago na ni Liza Soberano,Kisses DeLavin at KC Concepcion ba yun? basta yun!

Sige na diary mamaya naman ah? kekwentuhan kita tungkol dun sa Friendly date kuno. Byeeeee! iloveyouuu.


~IKAYCUTESEXYATMAGANDA

Searching For The One... (IKAY's DIARY)Where stories live. Discover now