Chapter One

13K 263 33
                                    



Empire University, free wi-fi area.

JAMIA ANDREA Lozario: Yehey! My mom bought me a guitar today and she said she'll teach me how to play it!

Napahawak nang mahigpit si Peanut sa cell phone niya nang mabasa ang status update na 'yon ni Jamia Andrea Lozario o "Jam" sa Facebook account nito. She hated that girl from the bottom of her heart. Nanggigigil na t-i-n-a-ype niya ang "comment" niya gamit ang kanyang fake FB account na ginawa niya upang hindi siya nito makilala.

Little Miss Basher: Who cares if your mom bought you a guitar?

Jamia Andrea Lozario: Hey! This is my account! I can rant all I want here! Why do you hate me anyway?

Little Miss Basher: Because you're arrogant, stupid and you are an attention whore!

Hindi na ito nagkomento pa. Siguradong i-a-"unfriend" na naman siya nito sa account nito. Gagawa na lang uli siya ng panibagong account para patuloy itong ma-bash. 'Yon lang ang tanging outlet niya para kahit paano ay mabawasan ang bigat ng kalooban niya dahil sa babaeng 'yon.

I swear. Makahanap lang ako ng pagkakataon, makakaganti rin ako sa Jam na 'yan.

Iniligpit niya ang gamit niya at nagmamadaling umalis ng park. May part-time job pa kasi siya. Ngunit sa pagpihit niya paharap ay may nakabungguan siya. Nabitawan niya ang mga gamit niya kasabay ng pagkalat din ng mga flyers sa kalsada.

"Mag-iingat ka na naman sa susunod," angil niya sa lalaki habang pinupulot niya ang mga gamit niya.

"Hmm."

Nag-angat siya ng tingin sa binatang naka-squat din tulad niya habang pinupulot ang mga nagkalat na flyer. She knew this boy. Ito ang tinaguriang "robot" ng Empire dahil hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. He was Braiden Alden Wycoco, if she wasn't mistaken.

Sinalubong nito ang mga mata niya nang marahil mapansin nitong nakatitig siya rito. Ah, he was very handsome, indeed. Pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin saka ito mabilis ding nilayasan.

***

"GUITAR LESSONS exclusive for Empire students? This is cool, Bread!" tuwang-tuwang wika ni Connor habang binabasa ang isa sa mga leaflet na ginawa niya para sa anunsiyo niyang 'yon. "And the proceeds will go to your family's foundation, right? The Wycoco Foundation?"

Tumango lang siya bilang sagot dito. Bago pa man din maging congressman ang ama niyang si Fortunato Wycoco ay nakatatag na ang Wycoco Foundation. Hindi isinasapubliko ng kanilang pamilya ang pagtulong.

Hindi niya sasabihin sa mga magiging "estudyante" niya kung saan mapupunta ang ibabayad ng mga ito sa kanya. Bilang anak ng isang kilalang pulitiko, hindi maiiwasan kung bigyan man ng kulay ng ibang tao ang binabalak niyang pagtulong kaya gagawin niya 'yon ng tahimik.

Nag-thumbs up si Connor sa kanya. "Cool! Don't worry, binibigyan kita ng permisong pansamantalang hindi um-attend sa mga House Party natin."

Tumango lang uli siya bilang pasasalamat dito. Ito kasi ang leader ng HELLO – ang banda na kinabibilangan niya – kaya dito siya humingi ng permiso upang lumiban sa mga practice sessions nila upang makapag-concentrate siya sa guitar lessons na ibibigay niya.

"Let's go, Bread." Inakbayan siya nito at inakay na palabas ng clubroom.

Nagpatangay na lamang siya rito. Paglabas nila ay humakot na naman sila ng atensyon mula sa mga kababaihan. Subalit dahil si Connor ang kasama niya, wala ni isang nagtangkang lumapit sa kanila na ikinahinga niya ng maluwag. Kapag kasi mag-isa siya, nagugulat na lang siya kapag may nanghaharang sa kanya upang hingin ang numero niya o ayain siyang lumabas.

A Robot May Blush (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon