Chapter Three

5.3K 173 9
                                    

NAKAHINGA si Peanut ng maluwag nang makalagpas siya sa mga guard ng Empire. Nawawala kasi ang school ID niya kaya ang lumang ID niya ang ginamit niya pagpasok.

Papasok na siya sa building ng College of Communication Arts nang dumako ang tingin niya sa parking lot. Walang bubong ang kotse kaya kitang-kita niya kung sino ang guwapong lalaking nagmamaneho niyon. It was Braiden Alden Wycoco. He looked so good on his sunglasses! He was handsome, he had a nice car, he was rich.

Siguro naman hindi kawalan sa kanya kung pagbibigyan niya kong humingi ng free lessons. Babayaran ko naman.

Bitbit ang maliit na pag-asang 'yon na maaaring pagbigyan siya nito, lumapit siya kay Braiden. Sakto naman dahil kababa lang nito ng kotse nito. Sa taas niyang 5'6 ay masasabing matangkad na siya. Subalit ngayong malapit na siya sa binata ay kinailangan pa niyang tumingala rito dahil di hamak na mas matangkad ito sa kanya.

And boy, he smells good.

"Ahm, hi, Braiden," bati niya rito nang lingunin siya nito.

Nilingon siya nito. Tinaas nito sa ulo nito ang shades nito. "Yes?"

Aww... such adorable chinky eyes!

Hindi niya alam kung bakit gustung-gusto niya ang mukha nito. Singkit ang mga mata nito, natural ang pagkabagsak ng itim na itim na buhok nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi, maputi at makinis ang balat.

Marami naman siyang guwapong kaklase dahil Broadcasting ang course niya, kaya nakakatawang na-"starstruck" pa siya sa isang lalaking ni hindi nga yata marunong ngumiti.

Maybe because she could see how sad his eyes were. Like the night when he almost got drowned. Gusto niyang alisin ang kalungkutan na 'yon dahil nakikita niya ang sarili niya rito –

"Yes?" untag muli sa kanya ni Braiden.

Tumikhim siya. "Ahm, isa ako sa mga nabigyan mo ng guitar lesson. Kung matatandaan mo, ako rin 'yong nagtanong sa'yo kung puwedeng..." Naglakas-loob siyang salubungin ang tingin nito. "Kung puwedeng kumuha pa rin ako ng guitar lessons sa'yo pero sa katapusan ko na bayaran?"

Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Subalit wala siyang emosyong mabasa sa mukha nito. Pero ang tingin nito, para bang unti-unting tinutunaw ang mga tuhod niya. Dapat siguro, gawing illegal ang maging gano'n kaguwapo. Maraming babae ang magfa-fangirl mode ng wala sa oras.

"You're Peanut Illustrano, right?"

Napasinghap siya. "Ah, yes. I'm Peanut Illustrano. Pasensiya ka na kung nakalimutan kong magpakilala sa –"

Tinaas nito ang kamay nito upang pigilan siya sa pagsasalita. "Peanut, calm down."

Tinutop niya ang kanyang bibig saka siya tumango. "Pasensiya na."

Sinenyasan siya nitong maghintay. May kinuha itong paperbag mula sa passenger side ng kotse nito at pagbalik nito, inabot nito 'yon sa kanya. Nagtataka man ay tinanggap niya 'yon.

"Para sa'kin 'to?" nagtatakang tanong niya.

"Sa'yo 'yan," kaswal na sagot nito.

Sinilip niya ang nasa loob niyon. Napasinghap siya nang makitang 'yon ang jacket niya. Nag-angat siya ng tingin dito. "Paano mo nalamang sa'kin 'to?"

May dinukot ito sa backpocket ng pantalon nito at inabot 'yon sa kanya. It was her school ID. "Nakita ko ang ID mo sa bulsa ng jacket mo. Ikaw ang nagligtas sa'kin, Peanut. Thank you," sinserong wika nito. Hindi man ito ngumiti ay nangislap naman ang mga mata nito.

A Robot May Blush (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon