"PEANUT, open the door."
Yakap-yakap ni Penut no'n ang mga binti niya nang marinig ang boses ni Bread mula sa labas ng kuwarto. Nang makita niya kanina ang kanyang ina ay dali-dali siyang umakyat at nagkulong sa kanyang silid.
"Bread... kasama mo ba siya?" tanong niya rito sa basag na boses na ang tinutukoy ay ang kanyang ina. Hindi na kasi napigilan ang mapaiyak dala ng samu't saring emosyon na namuo sa dibdib niya. She was happy, scared, sad and angry.
"No. But she's still downstairs."
Napahagulgol na naman siya ng iyak. "Tell her to leave. Please."
"Peanut, open the door first. I hate it when you cry by yourself when I'm here," anito sa masuyo at tila nagmamakaawang boses.
Siyempre, natunaw agad ang puso niya. Hindi niya ito kayang tiisin. Tumayo siya at pinagbuksan ito ng pinto. Sumalubong sa kanya ang nag-aalala nitong mukha. She held his hand and pulled him inside the room before she gently closed the door.
"Peanut, is Aunt Pillar really your mother?" halos pabulong na tanong ni Bread.
Tumango siya. "Yes." Tumingala siya rito. "Bread, what should I do? Should I talk to her?"
Kinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. "Handa ka na ba?"
Hinawakan niya ang mga kamay nito. "I don't know. Pero... pero gusto ko siyang makausap. It's just that... I'm scared."
"Don't be. I'm here for you," matatag na wika nito.
Dahil sa mga salitang 'yon ay agad natahimik ang kanyang kalooban. His presence made her stronger. Niyakap niya ito. "Samahan mo ko, ha?"
He kissed her on the forehead. "You didn't have to ask, baby."
Ilang sandali rin silang nanatili sa gano'ng posisyon. Nang makaipon na siya nang sapat na lakas ng loob upang harapin ang kanyang ina ay nag-aya na siyang bumaba. They went down the living room with their hands linked. And there was her mother, crying yet smiled when she saw her.
"Peanut... anak..."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Bread. Ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. "A-ano'ng ginagawa niyo rito?"
"A-ang totoo niyan... h-hindi ko alam na nandito ka. N-nagpunta lang ako rito dahil gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan ni Jam. Hindi ko inaasahang magkakilala pala kayo..." Lumapit ito sa kanya. Umiiyak pa rin ito. "Peanut... ang laki mo na. Pero kahit gano'n, hinding-hindi ko makakalimutan ang maganda mong mukha..." Nag-aalangan man no'ng una pero umangat pa rin ang mga kamay nito. She cupped her face and smiled even though her tears kept falling. "You look more beautiful now, daughter."
No'n na muling pumatak ang mga luha niya. "Daughter? You still call me that after you abandoned me?" sumbat niya rito.
"Hindi ba't iniwan mo ko para lang magkaroon ka ng maginhawang buhay? The moment you've abandoned me was also the moment you've forfeited your right to be my mother."
Humagulgol ito ng iyak. "I'm sorry, Peanut... I'm sorry. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko nang mga panahong 'yon. Nang mamatay ang papa mo, halos gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung paano ka bubuhayin. Nang dumating si Arlando – ang ama ni Jam – nagkaroon ako ng bagong pag-asa..."
"Kaya mas pinili mo siya kaysa sa'kin?" Unti-unti siyang bumitaw kay Bread upang alisin ang mga kamay ng kanyang ina sa mukha niya. "Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Mas pinili mo kaysa sa'kin ang lalaking 'yon. Iniwan mo ko para mag-alaga ng anak ng iba. Alam mo ba kung gaano ako naiinggit kay Jam dahil no'ng mga panahong kailangan ko ng isang ina, nasa tabi ka niya?"
BINABASA MO ANG
A Robot May Blush (Complete)
Teen FictionHELLO Band Series 2: All Peanut wanted was to hurt her mother by hurting Jamia--- her mom's stepdaughter. Para magawa 'yon, kailangan niyang gamitin si Bread, ang lalaking gustong-gusto ng "stepsister" niya. Sobrang cliche ng plano niya pero hindi m...