Chapter Five

5.1K 167 7
                                    

"KAILANGAN mong pag-aralan ang timing ng paglipat ng chord at ng strum. Sa pag-strum, siyempre, dapat may chord na tutunog. May coordination dapat."

Napapikit na lang si Peanut nang muli na namang gumuhit ang kidlat sa madilim na kalangitang tanaw mula sa bintana ng kuwarto niya sa loob ng dorm.

"Peanut?"

Pilit siyang nagmulat ng mga mata. Mula sa screen ng laptop niya ay nakita niyang nakakunot ang noo ni Bread. Yakap na lang nito ang gitara nito at hindi na iyon kinakalabit. As usual, he was teaching her how to play the guitar through Skype. May part time job siya after class samantalang may House Party naman ito at ang banda nitong HELLO kaya ang social networking site na 'yon pa rin ang tulay nila sa kanilang mga lesson hours.

"Are you okay, Peanut?"

Muli na namang kumidlat at sa pagkakataong 'yon ay may kasama pang dumadagundong na kulog. Napayakap siya sa gitarang gamit niya. Kung bakit ba naman kasi naiwan pa siyang mag-isa sa dorm.

Nasa probinsiya ang kanilang landlady samantalang um-attend naman ng party ang mga doormates niya kaya wala pa ang mga ito. Kadalasan, inuumaga na ang mga ito ng uwi kapag gano'n.

Wala siyang problema sa kulog. Pero kapag nakakakita siya ng kidlat, halos atakihin siya sa puso sa sobrang takot. Marahil ay nakuha niya ang takot na 'yon simula nang may namatay silang kapitbahay noon na tinamaan ng kidlat.

"S-sorry, Bread. H-hindi ko kayang mag-practice ngayon," nagkakandabuhol na sagot niya nang hindi pa rin nag-aangat ng tingin dito. Nakayukyok pa rin ang ulo niya sa gitarang yakap niya.

"Peanut, are you alone in your dormitory?"

Nagmulat siya ng mata para sana sumagot. Pero sakto namang gumuhit na naman ang kidlat. Walang kasere-seremonyang sinara niya ang laptop niya. Binaba niya sa mesa ang gitara niya at nagtalukbong siya ng kumot.

Niyakap niya ang mga binti niya at niyukyok ang kanyang mukha sa kanyang mga tuhod. Kinuha niya sa ilalim ng unan niya ang isang lumang recorder at in-on 'yon. Iyon ang pinapakinggan niya kapag natatakot siya.

It was her mother's recorded voice. And it was also their recorded conversation.

"Peanut, baby, nasa'n ka?"

"Mama, I'm here. Natatakot ako sa kidlat."

Narinig niyang tumawa ang kanyang ina. Ang tawa na hindi pumapalyang pawiin ang takot niya kahit recorded lamang 'yon.

"Baby, you shouldn't be afraid of lightnings. Nandito si Mama. I will protect you."

"Really, 'Ma?" punung-puno ng pag-asang tanong ng batang version niya.

"Of course. Mama will always be here for you!"

Narinig niyang nagtawanan ang batang Peanut at ang kanyang ina. Kung hindi siya nagkakamali, naghaharutan na ang mga ito. O baka kinikiliti siya nito no'ng mga panahong 'yon. After their bubbly laughters, a sweet music piece coming from a guitar came.

Ang kanyang ina ang tumutugtog ng gitara.

"Peanut, anak, lagi mong tatandaang parating nasa tabi mo lang si Mama. I will protect you, because I love you."

"I love you, too, Mama!"

She heard her mom laugh. "Gusto mo bang turuan kitang mag-gitara?"

"Opo!

Napahagulgol siya ng iyak. Pakiramdam niya, may dumukot sa puso niya at piniga 'yon. Nakakatawang isipin na habang inaalis ng ala-alang 'yon ang takot niya ay nagagawa pa rin siya niyong saktan. Those memories were beautiful, but they were also heartbreaking.

A Robot May Blush (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon