Chapter Four

5.2K 165 15
                                    

PINANOOD lang ni Bread si Peanut habang naglalakad ito sa harapan niya. Paglabas nila sa station, napansin niyang tila nakalimutan na nitong may kasama ito. And walking with her but without her by his side seemed wrong. Mukhang sa maiksing oras na nakadikit ito sa kanya kanina sa loob ng tren ay nasanay agad siya sa presensiya nito.

Hindi naman na nakapagtataka 'yon para sa kanya. She was the first girl he had let to invade his personal space. Because unlike other girls, he was comfortable with her. Hindi nito pinipilit ang sarili nito sa kanya. And, he wished he was wrong, but it felt like even though she was at his arm's length, she was still too far.

Akmang hihilahin na niya ang dulo ng damit nito upang hilahin ito pabalik sa tabi niya nang huminto ito sa paglalakad. Binaba niya ang kamay niya nang lingunin siya nito. Bumalik ito sa tabi niya at nilingon siya. Nadismaya siya. Ito na naman ang nag-adjust para sa kanya.

"Pasensiya ka na. Sanay kasi akong mag-isa kaya nakalimutan kong kasama pala kita," paumanhin nito.

Pansin ko nga. "Ah," sagot na lamang niya.

Hindi kasi niya alam kung anong mararamdaman sa sinabi nito. Nakalimutan nitong kasama siya nito. Did it mean his presence didn't affect her the way she affected him? Nakakasama ng loob.

"Hindi ba't ang sabi mo, ang mommy mo ang kasama mong mag-dinner? Ang sweet mo namang anak," wika nito upang marahil basagin ang katahimikan sa pagitan nila.

"My mother invited her friend, too. Gusto kasi ipakilala ni Mommy sa'kin ang anak ng kaibigan niya."

"Oh. Maybe your mom wants you to date her friend's daughter," tukso nito sa kanya.

"I don't think so. My mom never meddles with my personal life," kampanteng sagot niya. Alam ng ina niyang wala pa siyang balak makipagrelasyon.

"Well, who's the lucky girl?" patuloy na panunukso nito sa kanya.

Somehow, her teasing didn't annoy him. Parang gusto pa nga niya ang kakulitan nito. "Jamia Andrea Lozario. She's the daughter of my mom's bestfriend – Aunt Pillar."

Natigilan sa paglalakad si Peanut. "Jamia Andrea Lozario? Pillar Lozario?" mahinang usal nito. "Sila ang ka-dinner ng pamilya mo ngayon?"

Nagtataka man ay sumagot pa rin siya. "Yes. Why?"

There was her far away look again. It seemed to make her look unreachable. "Oh. Napanood ko kasi si Jamia Andrea Lozario sa isang talkshow noon. Nagulat lang ako na kilala pala siya ng pamilya mo," sagot nito. "Hanggang dito na lang kita ihahatid. Mauna na ko sa'yo."

Kumunot ang noo niya. "Ihahatid? You mean to say, hinatid mo lang ako at wala ka talagang pupuntahan na malapit dito?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Napasinghap ito. Mukhang nadulas lang ito. Sa huli ay ngumiti na lang ito at nagkibit-balikat. "Katulad nga ng sinabi ko kanina, ayaw kong makonsensiya kapag naligaw ka. Mauna na ko, ha?"

Pinigilan niya ito sa braso. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero hindi naman ito nagpumiglas. "Peanut... bakit masyado kang mabait sa'kin?"

Natawa ito. Ang tawa na wala namang buhay. "Hindi ako mabait, Bread. Tumatanaw lang ako ng utang-na-loob sa'yo." Marahang binawi nito ang braso mula sa kanya. "Sige na. Hinihintay ka na ng pamilya mo." Tuluyan na itong naglakad palayo.

He sighed as he watched her walk away. Peanut Illustrano was probably the most amazing girl he had met in his life, second only to her mother. Alam niyang mabuti ito kahit ilang beses nitong itanggi 'yon. And her kindness was slowly worming inside his heart.

A Robot May Blush (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon