Chapter Two

5.7K 184 5
                                    

AYAW tingnan ni Peanut ang resibo niya sa bangko. Naglagas siya ng isang libo para lang sa guitar lesson sa loob ng kalahating oras ng araw na 'yon. Mabuti na lamang at may gitara ang isa sa mga ka-dorm niya kaya may gagamitin siya. Ilang minuto na lang, magsisimula na ang lesson niya. Mabuti na lamang at may Skype siya at may wi-fi sa dorm nila. 'Yon kasi ang ginagamit niya kapag kausap niya ang lolo, lola at mga pinsan niya sa Cebu.

Sa Cebu kasi siya lumaki subalit nang mag-kolehiyo siya ay lumipat siya sa Maynila nang makapasa siya sa scholarship ng Empire University.

Apat na taon na siyang namumuhay mag-isa sa bahay ng isang matandang dalaga na ginawa na lamang nito dormitoryo kasama ang mga kapwa niya estudyante na sa ibang unibersidad nag-aaral. Umuuwi lang siya sa Cebu kapag summer. At kapag may pamasahe siya.

Her grandparents were already age sixty five. Pero nagpapadala pa rin ng pera ang mga ito sa kanya mula sa pensiyon ng mga ito. Dating guro kasi ang mga ito. Kumuha siya ng part time job para masuportahan niya ang sarili niya at upang makapagpadala rin siya ng pera sa mga ito.

Malungkot na binalingan niya ang bank receipt. "'Lo, 'La, sorry po sa pag-aaksaya ng pera."

But she had to. Kung mag-aaral ang Jam na 'yon ng gitara, mag-aaral din siya. Sisiguraduhin din niyang mas magaling siya rito. Alam niyang para sa iba, walang kuwenta ang ginagawa niyang pakikipag-kompetensiya sa isang taong hindi naman siya kilala. But to her, it was everything.

Para sa kanya, simula nang tumayong ina kay Jam ang ina niya ay inagaw na nito ang lahat sa kanya. Pakiramdam niya, naapi siya. Kaya hangga't kaya niya, gusto niyang maranasan ang mga nararanasan nito sa sarili niyang pagsisikap.

At hindi ko kailangan ng isang ina para magawa 'yon.

Tumunog ang cell phone niya na nakapatong sa mesa sa tabi ng laptop niya. Nakatanggap siya ng text message mula sa unknown number na siyang gumising sa diwa niya:

Ms. Illustrano, you can now open your Skype.

-Braiden Alden Wycoco

Binigay niya rin kasi sa e-mail na s-i-n-end ang cell phone number niya. Nag-sign in na siya sa Skype account niya. Naka-log in na rin si Braiden. Ilang minuto rin ang hinintay niya bago unti-unting naging malinaw sa kanya ang mukha ng binata mula sa video.

Saglit siyang natigilan habang tinititigan ito. He was so handsome! Alam niyang gwapo ito dahil nakikita na niya ito. Sikat kasi ang banda nitong HELLO sa unibersidad nila. Pero iba pa rin pala kapag malapitan. Kahit sa screen lang.

At singkit siya! Oh, gulay!

"Hi, Ms. Illustrano," seryosong bati ni Braiden sa kanya. Malayung-malayo sa masiglang paanyaya nito sa leaflet. "Handa ka na ba sa guitar lesson mo? Naka-tono na ba ang gitara mo?"

Awtomatikong napatingin siya sa gitarang yakap niya. Ang sabi ni Sava – ang doormate niya na nagpahiram sa kanya niyon – ay natono na raw 'yon. "Oo, nakatono na 'to."

"Do you have any prior guitar experience?"

Humarap uli siya sa screen ng laptop niya. Ah, so gorgeous! "Wala akong kaalam-alam sa gitara... sorry."

"Bakit ka nagso-sorry? Kaya nga nag-enroll dito dahil gusto mong matuto. Naitanong ko lang naman para alam ko kung saan tayo magsisimula. Now, are you comfortable with your position? Make sure the guitar is secured on your lap."

Gusto niyang sumimangot. Napaka-istrikto nito. "Komportable naman ako sa posisyon ko."

"I-warm up mo ang mga daliri mo. Mag-stretching ka. Like this." He locked his fingers together and stretched his arms. "Sa bawat gawain, importante ang warm up exercises."

A Robot May Blush (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon