Chapter Seven

4.8K 171 17
                                    

I'M NOT hurt. I've lived for twenty years without him, I'll surely survive another twenty without him!

Nabali ni Peanut ang birthday candle na ididikit niya sana sa kahon ng cake na in-order sa kanila ng isang customer dala ng labis na panggigigil. Mabuti na lang at mamaya pa 'yon babalikan kundi ay baka sa harap pa ng customer siya pumalpak. "Shoot..."

"Peanut, ako na d'yan." Hindi na siya hinintay ni Shizu na sumagot. Kumuha ito ng bagong kandila sa basket at ito na ang nagdikit niyon sa kahon gamit ang scotch tape.

Bumuga siya ng hangin. "I'm so sorry, Shizu."

"You're always composed, Peanut. This may sound rude, pero naaaliw akong makita kang ganyan," anito sa tonong nanunukso lamang.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kung hindi mo napapansin, you have a wall around you, Peanut. Kung naapektuhan ka na ng ganyan ng isang tao, ang ibig sabihin niyan, natibag niya ang pader na 'yon. You're normal again."

"Sinasabi mo bang hindi ako normal?" biro niya.

"Hindi naman talaga normal ang pigilan mo ang emosyon mo, 'di ba?"

"Pasalamat ka kaibigan kita kundi, inaway na kita."

Nakangising nag-peace sign ito sa kanya. "Kaya nga malakas ang loob kong sabihin 'yon dahil magkaibigan tayo."

Natigilan siya. Nakakainis. Tama ang bruha niyang kaibigan. Matagal na niyang pilit na pinapatay ang mga emosyong alam niyang makakasakit lang sa kanya. Pero ang walanghiyang Bread na 'yon, walang kahirap-hirap na tinunaw ang depensa niya!

But he's just like that woman. Iiwan lang din pala niya ko sa huli.

Bukod sa nasaktan siya ay labis din siyang nadismaya. Siguro nga ay totoo ang pinakita nitong pag-aalala at pagmamahal sa kanya, pero hindi 'yon sing tindi tulad ng nararamdaman niya para rito. Maybe she had assumed too much, too, but it still hurt like hell.

Natigilan lang siya sa pakikipagharutan kay Shizu nang mula sa salaming pader ng Harury's Sweets ay may nakita siyang binatilyong nakaupo sa kalsada. Nakatalikod sa kanya ang binatang naka-Amerikana na nakatayo sa harap ng batang lalaki. Kinutuban siya ng masama.

Dali-dali siyang lumabas ng shop. Tinulak niya ang lalaking naka-Amerikana at agad siyang lumuhod sa binatilyong nasaktan para alalayan ito. Nagulat pa siya ng makilala kung sino ang batang 'yon.

"Harry?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Harry, even though he couldn't maintain eye contact with her, smiled. And despite his mild speech defect, he still couldn't hide the excitement in his voice upon seeing her. "A-Ate!"

"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" tanong niya rito habang inaalalayan itong tumayo.

"S-si K-Kuya Haru!" At may kung sino itong tinuro sa kanyang likuran.

Pakiramdam niya, nanigas ang buo niyang katawan. Napalunok siya. Iisa lang naman ang lalaki sa likuran niya – ang lalaking walang kaabog-abog na itinulak niya!

"Sir Haru!" Narinig niyang sigaw ni Shizu na lumabas marahil ng shop nang makita ang nangyayari.

Napapikit siya ng mariin. She was dead now.

"Sir Haru, ayos lang ho ba kayo?"

"Yes, I'm okay. They're just little scratches."

Scratches?!

A Robot May Blush (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon