Chapter Eight

5K 181 4
                                    

"JAM, sweetie, wake up."

Malungkot na pinapanood ni Peanut ang kanyang ina habang ginigising nito si Jam na nakatulog dala ng kalasingan. Nasa likod siya ng pinto ng kusina kung saan tanaw niya ang dalawa, subalit sa posisyon ng kanyang ina ay hindi siya nito makikita. Si Sava ang pinasagot niya ng tawag kanina ng kanyang ina upang ipaalam dito kung nasaan ang stepdaughter nito. Ang triplets din ang pinaharap niya rito.

She was happy to see her mom even from afar. Masaya rin siyang makitang maganda pa rin ito sa kabila ng edad nito, at mukha namang malusog ito.

"Bakit ka ba naglasing, Jam?" mahinahong tanong ng kanyang ina rito. "Kung may problema ka, sana kinausap mo ko. I'm here for you, daughter. Mom will always be by your side."

Tinakpan niya ang bibig niya ng kanyang mga kamay upang mapigilan ang sarili niyang mapahikbi. Her mother told her the same things before, and it hurt her to hear her say those things to Jam now.

"I'm your mother now, and I will always protect you. I will protect you... like I would have protected Peanut, my daughter," may kahinaang wika ng kanyang ina pero narinig pa rin niya 'yon.

Nagulat siya. Lumukso rin ang kanyang puso na malamang naaalala pa rin siya ng kanyang ina.

"Naglasing na kaya siya?" May ngiti sa mga labi ng kanyang ina subalit malungkot iyon. "Katulad mo, nakatulog din kaya siya dala ng kalasingan? If she did, bakit kaya? Sino kaya ang umasikaso sa kanya no'n? I should have been there for her. I should have protected her, too..."

Parang dinudurog ang kanyang puso. Kung gano'n pala, nitong nakalipas na walong taon ay hindi lang siya ang nangungulila. Her mother had longed for her, too. Tahimik na dumaloy ang mga luha niya. Sumakit din ang lalamunan niya sa pagpipigil sa kanyang hikbi.

"Mom?" inaantok na tanong ni Jam na nagising na pala. "Are you saying something?"

Umiling ang kanyang ina. "No, honey. Can you walk? Let's go home before your father finds out you're drunk."

"Okay, Mom."

Inalalayan ng kanyang ina si Jam na susuray-suray sa pagtayo. Nawala lang ang mga ito sa paningin niya nang tuluyan nang lumabas ng bahay ang mga ito. Nasa labas sina Sava kaya maihahatid ng mga ito ang kanyang ina kahit hanggang sa labas lang.

Naiwan siyang tulala. Mabilis at malakas ang tibok ng kanyang puso subalit nanginginig ang kanyang mga tuhod. Posible kayang mahal pa rin siya ng kanyang ina? She wanted to know because all these years, she still loved her mother despite her trying so hard to hate her.

"Mama..." hikbi niya.

No'n siya naglakas-loob na habulin ang kanyang ina. Nilagpasan niya ang triplets na nagtanong kung saan siya pupunta. Paglabas niya ng gate ay nakita niyang pasakay na ng kotse nag kanyang ina. May kalayuan ito sa kanya. She walked slowly, with her hands trying to reach out to her mother.

"Mama... don't..." Mas binilisan niya ang lakad nang marinig niya ang pagkabuhay ng kotse nito. "Mama... I've been very lonely. Nami-miss kita ng sobra... Mama..." Tuluyan nang tumakbo ang sasakyan palayo. Bumagsak na rin ang mga luha niya. "'Wag mo kong iwan, Mama!"

Pero hindi huminto ang kotse na mabilis ang pagtakbo. Bumigay na ang mga tuhod niya. Napaupo siya sa kalsada habang tuloy lang sa pag-iyak.

"Don't leave me, Mama. Please..." Her words turned into sobs. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib.

Don't leave me, Mama. I'm lonely. I've always cried by myself. I want to be with you...

"Peanut?"

A Robot May Blush (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon