Chapter Ten

7.2K 295 50
                                    

HINAMPAS ng malakas ni Peanut si Haru sa braso na ikinasinghap nito nang masiguro niyang walang ibang nakatingin sa kanila. "Sira ulo ka! Bakit hindi mo sinabing ganito kabongga pala ang birthday ni Harry? Ang sabi mo, maliit na dinner lang 'to with your family and some close friends!"

"Ang ganda-ganda mong babae, napaka-bayolente mo," tatawa-tawang reklamo nito. "If I told you the truth, hindi ka sasama."

"Hindi talaga!"

"See? Kaya hindi ko sinabi sa'yo."

Kasalukuyan silang nasa isang private beach resort no'n sa Batangas. Napakadaming bisita at sa tingin niya ay bigating mga tao pa ang mga 'yon. Nasa tabing-dagat sila kung saan nagkalat ang mga mesa at upuan. May improvised stage pa nga ro'n at wine bar. Hindi kasi kasya sa maliit na bar ng resort ang mga bisita kaya nasa outdoor silang lahat ngayon.

"Just enjoy the party, Peanut," nakangising wika ni Haru, saka siya inakbayan.

Pabirong siniko niya ito sa sikmura. "Sumama ako rito dahil kay Harry, at dahil sinama mo rin sina Shizu, Sava, Mava at Lava, so don't act intimate with me."

Nasa'n na ba ang mga bruhang 'yon?

Ang mga kaibigan niyang 'yon, mukhang nakahanap na agad ng group of friends. Marami kasi sa mga bisita ay kasing edad nila. Kung hindi siya nagkakamali, mga kaibigan ni Haru ang mga guwapo at magagandang nilalang sa paligid.

"Relax. I'm sure matutuwa ka kapag dumating na ang banda na inupahan ni Mommy," pang-aalo ni Haru.

"Banda?" kunot-noong tanong niya.

"You know them – Empire's HELLO Band."

Nanigas siya sa kanyang kinauupuan. Kung gano'n, naroon din si Bread?

"Kaibigan ni Mommy ang may-ari ng beach resort na 'to – si Tita Mercedes Sylvestre. Sa pagkakaalam ko, anak ni Tita Merced ang drummer ng banda na si Shark Anthony Sylvestre kaya napakiusapan nito ang banda ng anak nito na tumugtog sa party na it – Peanut, saan ka pupunta?"

Mas binilisan niya ang lakad. Kapag nagkita sila ni Bread, baka maiyak na naman siya. Isang linggo na rin silang hindi nagkikita nito. Baka galit pa ito sa kanya. Hindi kakayanin ng puso niya kapag lantaran siya nitong hindi pinansin.

She had tried reaching out to him. Nag-message siya rito sa Facebook, sa Twitter at kahit nga sa Skype ay parati niya itong inaabangan. Pero hindi pa rin siya nito kinikibo.

"Wait up, Peanut!" Nasa swimming pool na sila ng resort nang abutan siya ni Haru. "Bakit bigla mo namang naisipang pumunta rito?"

"Gusto ko nang umuwi." Lumingon-lingon siya sa paligid. Mukhang nagkamali siya ng daan. "Paano ba lumabas ng resort?"

Nahagip ng mga mata niya ang dalawang pigura na nasa kabilang panig ng pool. Kung hindi siya nagkakamali, ang matangkad na lalaking 'yon ay si Riley –ang vocalist ng banda. May kasama itong maliit na babae na hindi niya kilala.

Juskopo! Nandito nga talaga ang HELLO!

"Crayon, ihahatid na kita," mahinahong wika ni Riley sa kasama nitong babae.

"Hindi ka puwedeng umalis dahil magpe-perform ang banda niyo mayamaya. I'm just going to wait for Logan," mataray na wika ng babaeng nagngangalang "Crayon" nang hindi man lang nag-aangat ng tingin kay Riley dahil abala ito sa pagte-text. "Hinatid ko lang naman ang pinsan ko rito. I'm going now."

Pag-alis ni Crayon ay dali-dali itong sinundan ni Riley. Pero biglang huminto ang binata at nilingon siya. Walang emosyon sa mukha nito kaya hindi niya alam kung anong iniisip nito. But he turned away and followed the snub girl.

A Robot May Blush (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon