Chapter 1

47 3 1
                                    

THIRD PERSON POV'

"Daddy! Wag mo kaming iwan ni Mommy." pagmamakaawa ng isang bata babae sa kanyang ama. Umiiyak ito at mukhang naghihina   dahil sa iyak. 

"Anak,wag mo papabayaan ang pag aaral mo ha? Yan ang magpapaganda ng kinabukasan mo. Naiintindihan mo ba?" Lumuhod ang ama niya para magkapantay sila. Umiiyak narin ang ama niyang may dalang maleta.

"Hindi mo na ba kami mahal ni Mommy?" tanong ng batang babae. 

"Mahal ko kayo anak." pagkasabi ng ama ay tumayo ito at inilagay ang mga maleta sa loob ng kotse. Tinignan ng batang babae ang ina niya na nasa gilid ng pintuan. Pinipigilan ang mga luha. 

Lumabas ang batang babae, pero nakita niya ang kanyang ama na pinaharurot ang kotse paalis. Umiyak nanaman ang batang babae at inisip na 'Sana bumalik si Daddy' 

Tumakbo ang bata. Tinawag siya ng kanyang ina pero nagpatuloy parin ito sa pagtakbo. Hanggang sa nakarating siya Playground. May mga ilaw sa poste kaya nakikita niya parin ang daan kahit 10 na ng gabi. 

Hanggang sa mapuntahan niya ang swing kung saan dun magpapalipas ng lungkot. Pero may isang batang lalaki na nakaupo dito. Rinig niya ng hikbi nito. Umupo siya sa tabi nito at nagsimulang magsalita.

"My Parents got seperated" she's crying again. She miss her Dad so much. Kahit 10 minuto palang nakakalipas.

"I have a crush on someone but she said im not her type" he's crying too. 

" Let's play" sabi ng batang babae. " sabi ni Dad pag daw malungkot, makipaglaro ka lang daw sa mga friends mo tapos magiging happy ka ulit. Kasi daw you enjoying the game." nagsimula nang maglaro ang dalawang bata.

"Taya!"

"Taya!" 

"Rafael!!! hinahanap ka na ng mommy mo. Kanina ka pa hinahanap. Ano bang ginagawa mo dito? Gabing gabi na. Tara na umuwi na tayo." Natigil lang sila sa paglalaro nang tawaging ang batang lalaki ng kanyang yaya. 

Naglakad ito papunta sa yaya pero muling lumingon ulit sa batang babae...

"From now on, mag bestfriend na tayo" tuluyan nang umalis ang batang lalaki. Napangiti naman ang batang babae sa sinabi nito. 

------------------

-I hope you enjoy guys. Maraming salamat. Mwaaaaaah! :*

-Irishroje

Love BullyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon