GABRIELA POV
'9 YEARS AFTER'
"Raffy! Gumising ka naaaa!" ang hirap talaga gisingin nito! Nakakaasar na siya ha!
"5 minutes" ayan nanaman yung 5 minutes niya.
"Eh kanina ka pa 5 minutes ng 5 minutes eh!" at kanina ko pa sya ginigising >_______<
"Eto na. Tatayo na!" tatayo na daw siya pero nakahiga parin at nakapikit. Alam mo Rafael Zamora kanina mo pa ko pinagloloko. Kung lokohan din pala ang gusto mo. Pwes! Makikipag sabayan na ko sayo. >___<
"Di mo ba alam mag e-eight o'clock na? Dapat nga papasok na ko kaso nga lang naawa ako say-----" sabi na nga ba effective eh. HAHAHAHAHA! Tarantang tumayo naman siya at tumingin sa Wall clock. Ayan na siyaaaa.
"GABRIELA NATSUKI MENDIOLAAAAA!" HAHAHAHA! Lumabas naman ako kagad ng kwarto niya. haha actually 6:30 palang. 8 ang pasok namin at 5pm ang uwi sabi ni Raffy.
Pumunta muna ako ng kitchen kung saan nandun ang Mommy ni Raffy.
"Tita Claire, nahirapan nanaman po ko gisingin si Raffy." Umupo ako sa chair sa tapat ng table. Habang naghahanda si Tita Claire sa Breakfast namin.
"Sa tingin ko pagod lang siya." Pagod???
"Eh Tita? Araw araw pagod? Napakasipag na bata naman po ni Raffy." Sarkastikong sabi ko. Natawa naman si Tita Claire sa sinabi ko.
"Ikaw talaga Gabby!"
"Tita Kakain na po ako ha. " kukuha na sana ako ng food na hinanda ni Tita Claire. Bigla ba namang may nagbato ng towel sa mukha ko. Buti nalang di masakit kundi yari talaga siya sakin.
"Hintayin mo ko!" Yun lang pala eh. Di pa sabihin nang maayos. May pabato-bato pa siyang nalalaman. -__-
Habang kumakain kami. Nagkwetuhan naman kami ng kung anu-ano.
"Gabby, ayos na ba lahat ng requirements tska okay na ba lahat dun sa school niyo?" Tita Claire asked.
"Okay na daw po sabi ni Mommy"
"Ready ka na ba?" Tanong naman ng katabi ko.
"Oo. Tsaka hindi lang naman ako yung magtatransfer sa School niyo noh! Syempre malulungkot ako kung wala dun yung isa kong Besfriend"
Lilipat kase ako sa school ni Raffy. Madaming reason. At ayoko nadun sa school ko dati. Sa araw araw na pagpasok ko lalong nagiging impyerno ang buhay ko.
Bumyahe na kami papunta sa school ni Raffy. Hinatid niya ko sa room ko. Nakita ko naman si Frenny na nauna na pala sa room. Hindi kami classmate ni Raffy pero magkatabi lang yung room namin.
"Good luck sa first day mo. Mag aral mabuti, Gabby!" Pinat niya ang ulo ko at nagpaalam na. Kaasar! Ginulo pa yung buhok ko.
"Oh ano, frenny. Tanga tangahan parin? Sinasabi ko sayo hanggang dyan lang yan" Eto naman. Kakaupo ko lang sinisermonan na agad ako. Buti nalang may vacant seat pa sa tabi niya. Gusto ko siya lang katabi ko. hehehe
"Alam ko yun, frenny! Hindi narin naman ako umaasa na balang araw magugustuhan niya ko."
"Siguraduhin mo yan ha! Kung hindi ako na miso ang gigising sa sarili mo." Grabe talaga siya.
"Opo. Promise!" At tinaas ko ang kanang kamay ko.
Siya si Nathalia De Leon. Best friend ko na babae. Tungkol sa sinasabi ni Nathalia. Yes, may gusto ako kay Raffy. 5 years na kong may gusto sa kanya. Pero wala akong balak sabihin. Alam kong marereject lang ako. Hindi ako ang type niya. At ang masakit pa. Bestfriend lang talaga ang tingin niya. Kahit hindi naman niya sabihin, nararamdaman ko sa mga mata niya kapag nakatingin sakin.
Dumating na ang teacher namin. Pinakilala ang sarili sa mga Classmates. Nakinig lang kami sa mga lesson na tinuturo niya. Then nagsagot ng mga examples.
BINABASA MO ANG
Love Bullying
Teen FictionGabriela Natsuki Mendiola isang babaeng namumuhay ng normal at madaming kaibigan. Isang babaeng matagal na niyang hinihiling na bumalik ang ama niya pagkatapos siyang iwan noong bata siya. Mayroon si Gabriela bestfriend at ang pangalan ay Raffy. Mas...