Chapter 9

16 0 0
                                    

"Nathalia?" O__o

"Allen?"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa lalaking to.

"Gusto kong makausap si Nathalia." seryosong sabi niya.

"Pwede ba?" Tanong sakin na Nathalia na animo'y takot magpaalam.

"Hindi." matigas na sagot ko.

"Hey! Pansinin niyo naman ako! Kanina pa ko hangin dito." parang bata na sabi ni Tanisha

Hindi namin siya pinansin. Halata sakanya na naguguluhan na siya. Pero mas naguguluhan ako. Kakausapin niya si Nathalia pagkatapos ng ginawa niya samin nung nandun pa kami sa dating school.

"Ano ba talagang kailangan mo?" Naiinis na sabi ko.

"Yung girlfriend ko." Seryosong sabi niya at hinila si Nathalia palayo. Narinig ko namang tinawag ni Nathalia yung pangalan namin.

"Ano bang nangyayari Gabriela? Naguguluhan na ko." Napakamot naman siya sa ulo.

"Tsaka ko nalang sasabihin Tanisha." Mukhang naintindihan naman ni Tanisha at hindi na ako kinulit. Para magkwento.

Nagdidiscuss si Mam para sa Musical play namin. Nandito na si Nathalia pero hindi parin kami nagpapansinan. Nandito kami ngayon sa Court para magkasya kami. Baka daw bukas okay na yung room na tinatayo para magkasya kaming lahat. Ang dami kasing ka ek ekan eh. Pero gusto ko na talagang makausap si Nathalia. Hindi kaya galit siya? Huhuhu. Ang frenny ko.

"Okay class. Ang ipeplay niyo ay all about bullying or in the root word is bully. Igugroup ko kayo in two groups. Di niyo kailangan na lahat magperform on stage. Basta nakatulong sila okay nayun. Para sa mga wala dito may group padin sila. So magbubunutan tayo tomorrow. Para sa mga Groups niyo. Any question?" Sabi ni Mam. Ang teacher namin sa Music.

"Mam pwede po bang magbigay kayo ng example kung paano ipeperform?" tanong ng isa kong classmate.

"Good question. Maaari kayong gumawa ng play na tungkol sa Bully na may kinalaman sa school yung physical or emotional. Or about Love, Friends, Family. Yung matatawag mong Bully." paliwanag ni Mam.

"Mam bakit po Tungkol sa Bully ang gusto niyong iplay?

"Dahil madaming nababalita tungkol sa mga Bully. Gusto ko kayo yung magbigay ng moral lesson kung ano ang nagagawa kapag nambully ka or nararamdaman ng isang tao kapag nakaranas ng pambubully."

"So that's it. Good bye class!"

Uwian na pero di parin ako kinakausap ni Nathalia.

"Gabriela pwede ba tayong mag usap?"

"Ay anak ng kalabaw!!" Nagulat ako ng bigla ako kausapin ni Nathalia.

"Pwede ba Gab?" tumango nalang ako bilang sagot.

***********

Nandito kami sa bahay namin. At nasa kwarto ko kami.

"Magkuwento ka na habang di ko pa nakakalbo si Allen." sabi ko habang nakahiga kami Nathalia. At ako naman busy sa pag fefacebook.

"Che! Boyfriend ko si Allen."

"ANOOOOOOO?!"

"Ano ba Gab!! Hinaan mo nga boses mo!" suway niya habang nakatakip sa dalawa niyang tenga,

"Oo boyfriend ko siya. Nasa dati palang tayong school boyfriend ko na siya. "

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" tanong ko.

"Kase magagalit ka eh."

"Alam mo naman pala eh." walang ganang sabi ko habang iniistalk ang facebook ni Raffy.

"Kaya nga. Basta pagnalaman ni Dredge yun. Baka mapatay niya si Allen"

"Oh? Edi sasabihin ko."

"Gabriela!!!" Sigaw niya hahaha

"Joke."

"Di ka ba magagalit?" tanong niya. Napatingin naman ako sakanya.

"Bakit ako magagalit? Pag sinaktan ka niya dun ako magagalit kaya wag niya kong subukan."

"Thank youuu! Ikaw talaga ang Best friend ko." naiiyak na sabi niya.

Love BullyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon