Chapter 7

24 2 0
                                    

Naramdaman kong nagba-vribate yung phone ko at nakita kong tumatawag si Raffy.

"Hello?" bungad ko sa tumatawag na si Raffy.

"Kamusta ang school?" tanong niya.

"Okay lang naman. School parin siya may mga estudyante, teachers, room. Ano pa yung gusto mong malaman tungkol sa school natin?" pagtataray ko. Wala kasi akong tulog bwiset lang sh*t. =___=

"Ang sungit mo. Tinatanong ko kung kamusta yung araw araw mong pagpasok sa school?"

"Okay lang naman. Nakakaasar yung usok sa daan, turo dito turo doon. Magagalit yung teacher pag hindi ka nakinig. Mas nakakainis pa ang araw na pagpasok ko dahil sakanya. Naiinis nako kaya Bye Raffy. Tawag ka nalang after class. Babush!" inend ko na yung call. At bumaba na ko para kumain ng breakfast. Wala ako sa mood kausapin siya kahit gusto ko pa siya dahil bwiset lang talaga yung nangyare kagabi.

"Good morning Mom!" kasalukuyan siyang naghahanda ng almusal ko.

"Good morning. Pinagluto kita ng rice porridge." umupo ako sa dinning table at nagsimula na akong kumain.

Habang kumakain ako. Nagtatanong si Mommy tungkol sa mga ginagawa sa school.

"Okay lang po, May Musical play kami Mi. Ie-explain palang ng teacher namin mamaya."

"Ang bilis ng araw anak. Gagraduate ka na ng high school. Parang dati lang ang liit mo pa lang. Naalala ko bata ka palang may gusto ka na sakanya. Gusto mo pa ba siya hanggang ngayon?"

Bigla naman akong nasamid sa sinabi ni Mommy.

"Okay ka lang ba anak?" Hinihimas ni Mom yung likod. Nung medyo kumalma na ako. Tinanong nanaman niya ko.

"Di ba malapit na yung birthday ni Rafael?"

"Opo Mommy bakit po?

"Ano yung exact date?"

"December 15 po. " nag nod lang si Mom sakin. Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ko sa kanya at bumyahe na papunta sa school.

Kanina pa ko nandito sa corridor at wala pa yung dalawang yun. I texted Nathalia and Tanisha. Sabi nila papunta na daw. Chineck ko yung watch ko. 7 minutes nalang magbebell na.

"Frennnnnny!" nakita kong tumatakbo sila Tanisha at Nathalia paunta sa direksyon ko.

"Saan ba kayo galing kanina pa ko naghihintay sa inyo. " sabi ko pagkalapit nila sa akin. Nag cross arms ako at nagkunwaring nagtatampo. Pero tinawanan lang nila ko. Kainis! Di effective.

"Eto naman! Galing lang kami sa asdfghjklpytrb" hindi ko na naintindihan yung huling sinabe ni Nathalia. Bigla nalang kasing tinakpan ni Tanisha yung bibig ni Thalia.

"Wala galing lang kami sa restroom" paliwanag ni Tanisha. Tumingin naman ako kay Thalia at animo'y ngiti ng ngiti at nod nang nod.

"Ang tagal niyo naman kasi. Kung alam kong galing kayo sa restroom iisipin kong isang drum yung inihi niyo." pagtataray ko.

"Eto naman. Bat ba ang sungit mo ngayon? Dati naman hindi ka ganyan. Ang bait mo kaya." sabi ni Thalia. Binitawan na ni Tanisha si Nathalia. Nakakaawa na asi yung itsura ni Thalia.

"Ah basta! Kukwento ko nalang sa lunch time. Magbebell na." dumiretso na kami sa room. Baka kasi maabutan pa namin yung teacher namin at nasa labas pa kami ng room.

NATHALIA POV

Papasok palang ako sa gate ng school nang bigla akong hinila ni Tanisha sa gilid.

"Bakit?"Jusko. Akala ko makikidnap ako." sabi ko habang hawak hawak ko yung dibdib ko na parang nagulat (basta ganun XD)

"OA mo Frend. Makikidnap may guard dyan sa gilid oh." tinuro niya yung guard sa gilid nung gate. Ay oo nga. '))

"Eh bakit mo pa kasi hinila pwede mo namang sabihin habang naglalakad papasok, habng kumakain or kaya sabihin habang nagtuturo yung teacher or kaya sabihin mo habang nagsusulat. E h sa lahat ng naisip mong HABANG sabihin sakin at talaga pang habang nandito tayo sa gilid. " Ang haba ata ng sinabi ko. hahaha

"Ang dami mong sinabe. Samahan mo nalang ako." hinila niya ko papasok sa school. Aba ang gaga.

"Tignan mo to pwede mo namang sabihin habang papasok ng school at talaga pa talagang habnag nandun tayo sa gilid ang pinili mo."

"Ang dami mong sinasabi Nathalia. " -___- sabi ko nga eh. Papunta kami sa.... OFFICE? anong gagawin namin dito? Kinakabahan ako.

Bakit parang walang pakialam si Tanisha nung papasok kami sa Office. Parang okay lang sakanya kahit dumiretso kami dito. Tapos yung nakikita naming mga teachers hindi kami sinusuway. Halaaaa O_o

"Nathalia, si Mama." Turo niya sa Mama niya na nakaupo isa sa mga sofa.

"Hello po" bati ko.

"Nathalia kami yung may ari ng school na to. Gusto kasi ni Mama na dito ako mag aral mismo sa school namin. To have a new friends. At kayo yun. " Hanuuuuuu daw O______O

"At gusto ko rin na wag mo sabihin kay Gabriela na kami ang may ari. Baka mag iba yung tingin niya sakin. Baka ituring niya ko na prinsesa. Or mahiya siya sakin. Alam kong medyo nagkakahiyaan kami dahil nga sa kakakilala pa lang natin, kaya ako na ang magsasabi na kami ang may ari ng school na to."

"Eh, ako nahihiya ako sayo eh." nahihiya din kaya ako sakanya. Di ko lang pinapahalata.

"Hahahaha. Basta ah." Nag nod nalang ako sa kanya. Nagpaalam na kami sa Mom niya. Medyo awkward yung feeling since sila  nga ang may ari ng school nato.

-----------------

 Next time ko papakita yung pictures ni Raffy and Dredge baka mapogian eh. Charot! Thank you. Kahit medyo walang nakakabasa. :)

Love BullyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon