Chapter 10

8 1 0
                                    

(Sorry po sa matagal na update. Thank you sa nagbabasa kahit hindi masyadong madami. Walang susuko! Aja! Fighting! THANK YOUUU!  )

Nagising ako nang maramdaman ko na may humalik sa noo ko. Minulat ko yung dalawang mata ko at nakita ko si Mommy. Nakangiti habang pinagmamasdan ako.

"Bakit Mom? May problema ba?" tanong ko. Mukha kasing wala pa siyang tulog. Umupo ako at humarap sakanya

"Ah, Wala naman anak. Namimiss ko lang yung baby girl ko." bigla niya kong niyakap. Minsan lang akong yakapin ni Mommy dahil alam kong sobrang busy siya sa shop na pinagtatrabahuhan niya.

Simula kase ng iwan kami ni Dad. Si Mommy na yung bumubuhay samin para makakain kami. Hindi naman kami naghirap. Manager si Mommy sa isang Japanese shop. Parang siya na yung nagpapatakbo at dun niya na binubuhos yung oras niya. Yung may ari ng shop nayun ay matanda na hindi na kaya ng katawan. Ang sabi naman ni Mommy, gusto daw ng may ari na yun na kay Mommy imana yung shop dahil sa paghihirap ni Mom para mapatakbo ng maayos yung shop. Pero hindi naman tinanggap ni Mommy.

May tiwala naman ako sa desisyon ni Mommy. At alam ko na yung desisyon na yun ay para sa ikabubuti ng lahat. (Laliiiim! XD)

"Bumaba ka na para makakain ka na. Ihahanda ko lang yung gamit mo. Pupunta ka ba kila Raffy?" tanong ni Mommy. Ay oo nga pala.

"Hindi po Mommy. Maaga po siya pumapasok. Laban ng basketball nila. Kaya kailangan nilang magpractice"

"Ganun ba. Pupunta ako ng meeting mamaya. Ipagsasama daw kayo sa isang room, lahat ng 4th year high school."

"Opo Mom. Pero alam niyo po, Unang pasok ko palang sa Dalby Academy ang hirap na ng mga lessons." At ang hirap din makita ang dahilan nang paglipat ko. Pero syempre diko pwede sabihin. Hahaha =^____^=

"Ganyan talaga Gabby. Kaya mag aral ka mabuti ha?"

"Opo Mommy. Oo nga po pala! Kamusta po yung shop?" tanong ko. Nagsusuklay na ko kasi kakain nako ng breakfast.

"Medyo bumababa yung kinikita ng shop." Pagkatapos sabihin ni Mom yun kita ko sa mukha niya lungkot. Pinaghirapan ni Mommy ang pagpapatakbo ng shop. Na parang siya na ang may ari dahil mas busy pa siya doon sa may ari ng shop.

Kailangan ni Mommy ng positive advice. AJA!

"Mommy," niyakap ko si Mom. "Basta pag di mo na kaya nandito lang ako. Tutulungan kita kahit gaano pa kahirap yan. Okay?" 

"Okay. Thank you." Niyakap ako ni Mommy pabalik. "Ang laki na ng baby girl ko" 

"Mommy talaga!" mahal na mahal ko talaga ang Mommy ko. Pag nawala siya, di ko na alam ang gagawin ko sa mundo ko.

------------------------------------

Magkakasama na lahat ng students dito sa iisang room. We are 78 here. Since yung iba nasa basketball practice excuse sila in 2 weeks.

 Yung seats ko. 3rd row. hiwahiwalay yung  mga upuan namin. Sa right side ko nakaupo si Dredge then yung seat ni Raffy sa harap ko. Pero wala pa siya. Si Gail naman nasa likod ko. Si Tanisha, nasa left side ko.

"Good morning, Class. I'm the head of Music Club. I'm Mrs. Mesana. I know that your teacher explain to you about our Musical play. So, better prepare about that. Please don't dissapoint our guest. Musical play is the big thing in our school. I expect all the students here will cooperate about this. Okay?" Mrs. Mesana said.

"Yes" we said

"Hello Class." Ms. Aquino. "Your parents and all the teachers will having the meeting today. So do whatever you want. But we will call you after the meeting. Alright?" We nodded

---------------

"Grabe noh? magiging impyerno nanaman yung buhay natin. Akala ko tapos na yung paghihirap natin." sabi ni Nathalia. Naglalakad kami ngayon papunta sa garden masarap kasing humiga or umupo doon sa damuhan plus tahimik pa. Umiinom kami ng paborito naming chocolate chips frappe ni Nathalia \^__^/

"Alam niyo, pwede bang ikuwento niyo kung ano meron sa dati niyong school? Hello. Curiousity is killing me. Ugh!" ngayon lang namin narealize ni Nathalia may pagka maarte pala magsalita si Tanisha. Well di naman siya mukhang mataray pag nagsasalita. Konti lang. XD

"Ikukwento namin sayo lahat sa tamang panahon kaya wag ka nang makulit" umupo kaming tatlo sa damuhan. Wowwww. Ang sarap ng hangin.

"Fine" tampong sagot  ni Tanisha at sumip sa drink niya.

"Nasaannga pala yung Boyfriend mo Tanisha?" Tinignan ko si Nisha. Namumula siya sa sinabi ni Nathalia.

"Ayun Busy. Laban daw ng basketball nila eh. Kaya todo practice sila" mukhang malungkot ang kaibigan namin ah. Simula kasi nung Accident na pagkabangga ko. Doon na nagstart yung friendship namin. Ang cool diba?

"Okay lang yan. So, basketball player pala siya." sabi ni Nathalia.

"Yes. Ipapakilala ko kayo sakanya sa araw ng game nila." Tuwang tuwa na sabi ni Nisha

"Osige. Kailan ba kayo nagkakilala?" seryosong tanong ko.

"This week lang." matipid na sagot niya. WHAAAAAAAAT?!

"Ay ang landi Tanisha. Hindi bat masyadong mabilis yun?" -Nathalia

"Sa text lang naman yun. Eh ang pogi niya kasi eh." Harujusko.

"Jusko naman Tanisha! Pero kung yan ang gusto mo. Susuportahan ka nalang namin." Biglang ngumiti si Tanisha sa sinabi ni Nathalia

"Thank youuuuu!!" Since nasa gitna namin siya. Inakbayan niya kami. 

Nakakatuwa kapag may kaibigan ka. Kahit yung desisyon mo hindi sigurado kung Tama o mali. 

Pero andyan lang sila para sayo

kasi. . .

Kaibigan ang turingan niyo.

-----------------

Hello. Kailangan ko po ng admin para sa page na'to. Gusto ko po gawan para nadin po maread nila itong story nato. So PM kung gusto niyo. Bye!

-Irishroje

Love BullyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon