'Pyororong~ ~ 5,6,7,8 Pick up! Pick up! Pick up! Pick up! Pick up! Pick up! If you won't pick up the phone, I wouldn't forgive you! zoockzoockzoockzoock! zoockzoockzoockzoock! Pyororong~ Pyororong~ Why not answer?'
"Hello Ma?" Ang cute naman ng ringtone niya. Kyaaaaaaah! "Ohsige po. Papunta na po ako."
"Gabriela, sorry. Kailangan ko nang umalis. Pinapapunta ako ni Mama sa Office eh. Bye!" Lumakad na siya paalis. Naiwan tuloy ako dito. Saan na kaya si Nathalia? Nilamon na ba siya ng CR? Aish!
Umorder na ko ng lunch ko. Spicy chicken, corn soup, and iced tea. Waaaah! Ang saraaaap! Tintitigan ko lang ito habang papunta ako sa table. Nginingitian ko na akala mo'y tao na ngingitian din ako ng mga inorder ko. Matagal na akong hindi nakakakain ng spicy chicken. Then....
"F*ck! Tumingin ka nga sa dinadaana-----" Huwaaaaaat?! "Ow, Gabriela Natsuki Mendiola. Nice to see you again. How's your life? It's kinda boring? Lumipat ka pa kasi ng school yan tuloy boring ka dahil wala ako. Pero okay lang nahanap naman kita." HELL!
"Dredge Cortez?"
"Yeah, Baby" Hinapit niya ang bewang ko. Ngayon sobrang dikit na namin. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? -____-
"Bitawan mo nga ko!" pagpupumiglas ko.
"Alam mo bang hinanap kita. Taos dito lang pala kita makikita. Pinagtatagpo talaga tayo." pinagatatagpo niya mukha niya. Pinaparusahan ba ako? Geez.
"Frennnnnnny!" salamat dumating ka din. Agad namang binitawan ni Dredge ang bewang ko.
"Hi Nathalia. Nagkita nanaman tayo" TT___TT
"Kung minamalas ka nga naman oh. " Frenny T__T ang tapang mo talaga.
"Hahaha." Nagpekeng tawa si Dredge.
"Tigilan mo na nga kami Dredge! Lumipat na kami ng school para umalis sa impyernong school na yun kung saan may demonyong Dredge na umaaligid samin" *speechless*
Hindi na nakapg salita si Dredge sa mga sinabi ni Frenny. Sana naman kahit papano naiintindihan niya kami.
"Tara na Gabriela" Hinila ako ni Nathalia paalis pero hinatak ni Dredge yung kaliwa kong kamay.
"Tigilan mo na nga kami Cortez!" sigaw ni Frenny. Umiingay na dito sa Canteen. Nakakahiya na.
"Ang swerte naman ng bagong transferee. Kilala siya ni Dredge Cortez."
"Oo nga eh. Pero mabait daw yan. Ang alam ko Mendiola yung surname niya."
"Oh? Diba mag best friend sila Ni Zamora?"
"Oo daw. Lagi silang magkasama eh"
Iyan lang naman yung naririnig ko. Nadamay pa si Raffy sa chismis nila.
"Easy Nathalia. May sasabihin lang ako. Masyado ka namang high blood." pagkatapos niya sabihin yun humarap siya sakin.
"Pupuntahan kita" Hindi ko maintindihan yung sinabi niya tapos bigla nalang akong hinila ni Nathalia.
Habang papunta kami sa next class namin. Di naman mapigilang sumigaw or magsabi ng mga kung ano ano tungkol sa nangyare kanina
"Nakakainis talaga siya! Grrrrr! Ano? Dito naman siya mambubully? Arrrgggh!"
"Easy frenny! Wag muna natin siya husgahan. Malay mo hindi naman talaga siya mambubully dba? Hindi naman niya siguro gagawin dito yun. Tsaka hindi niya na school yung pinapasukan natin." Bakit ko ba pinagtatanggol yung Dredge na yun.
"Imposible pero sabi mo eh. Tara na" Ang sarap talag sa pakiramdam na meron akong Nathalia.
**********
"Wag niyo kalimutan yung mga assignments niyo. Bukas ko na ididiscuss yung about sa Musical play. Good bye class!"
Simula kaninang umalis si Tanisha hindi ko na siya nakita. Nasaan na kaya siya? Sana safe lang siya. Simula nung nagkakilala kami kanina ang gaan na talaga ng pakiramdam ko sa kanya. Parang Unnie ko siya. Ang bait niya ang ganda niya ang cool niya. Ang swerte ko naman at nakilala ko siy-----
"Frenny una na ko ha? Nagmamadali ako eh. Si Kuya nasa labas ng school. May Family Dinner kasi kami eh. Bye!" Bago pa ko makasagot umalis na siya. Ako nalang at isa kong classmate na lalaki yung nandito.
"Tulungan na kita Mendiola" alok ng classmate ko.
"Ay hindi na!" may paa at kamay na man ako para bitbitin tong mga gamit ko.
"Sige na. Wag ka nang maarte." unti unti niyang hinahawakan ang bewang ko pababa. Isa lang ang alam ko, manyak to!
"Eh bastos ka pala eh!" sigaw ko sakanya. Ngumiti siya at ang bilis na ang mga sumunod na pangyayare. Sinuntok nalang siya bigla ni Dredge.
"Kuya tama na!" Pagamamkaawa niya habang patuloy parin siyang sinusuntok. Ang dami ng dugo sa kanyang mga labi.
"Tama na Dredge!" Pero hindi parin siya tumigil hanggang mawalan na ng malay ang classmate kong lalaki.
"Hindi mo naman kailangan ganyanin yan eh!" bulyaw ko sakanya.
"Binastos ka niya pero okay lang sayo?" eh gago pala to eh!
"Alam mo Dredge. Di ka parin nagababago. Pinagtanggol pa naman kita kay Nathalia. Pero ayan nanaman yung demonyo mong ugali. Simula ngayon wag ka nang dumikit sakin Dredge. Kahit ano! Kung pwedeng umiwas ka o wag mo na kong kausapin habang buhay. Okay na un kaysa may napapahamak dahil sakin dahil sa kagagawan ni Dredge Cortez." Pagkatapos kong sabihin lahat ng mga pwede kong sabihin. Umuwi nako.
Panibagong araw nanaman bukas.
-
Yung nasa right side po yan po yung ringtone ni Tanisha Nolasco :)
-Irishroje
BINABASA MO ANG
Love Bullying
Genç KurguGabriela Natsuki Mendiola isang babaeng namumuhay ng normal at madaming kaibigan. Isang babaeng matagal na niyang hinihiling na bumalik ang ama niya pagkatapos siyang iwan noong bata siya. Mayroon si Gabriela bestfriend at ang pangalan ay Raffy. Mas...