Chapter 4

25 1 0
                                    

"Ang swerte mo naman Gabby. Nakakita ka ng machong katawan" at naspose pa talaga siya na parang nilalabas ang muscle sa braso niya.

"Feeling mo naman. Ang taba mo kaya" sabay pasok ko sa kwarto niya at umupo sa kama. Ayokong makita niya yung pamumula ng mukha ko. "Bakit mo ba ko pinapunta dito?"

"Hindi kita pinapunta" 

"Pinapunta mo kaya ko. Sabi mo pa nga, punta ka sa bahay mamaya ha." with matching panggagaya ko pa ng boses niya. 

"Ganun ba? Buti nalang pumunta ka. Gusto ko kase makwento sayo yung babaeng umagaw ng atensyon ko. Na nagngangalang Ta----"

*Ring......Ring.....Ring...*

"Hello Frenny"

" pupunta ako sa bahay niyo Frenny ha?"

"Bakit?"

"Basta. Hahaha. Tatawag nalang ako kapag nandyan na ko sa bahay niyo."

"Ohsige. Bye"

"Sino yun?" tanong naman netong katabi ko.

"Si Nathalia" "Oh tuloy mo na!" 

"Teka lang pala, nagtext si Mom."

From: Mommy 

      'Umalis ulit ako ng bahay ha. Dumating na yung mga inorder ng shop eh. Kung gusto mo matulog dyan, okay lang. Pero tinawagan ko si Nathalia. Gusto din niya matulog sa bahay. Ingat sa labas ha. Baka dun na kase ako matulog. Gagabihin ako kung uuwi pa ko. I love you, Gabby.'

To: Mommy

       'Sige po Mom. Ingat din po. I love you too Mommy :)'

Tinignan ko si Raffy. Mukhang naiinis na siya dahil hindi niya matuloy yung ikukwento niya. 

"So, yun nga. Ang pangalan niya Ta---- Aish!"

*Ring.....Ring......Ring*

"Ohsige nandyan na ako!"

"Bye Raffy! Nex time mo nalang ikuwento. Si Nathalia nasa bahay eh. Bye!"

********

"Frennnny!"

"Frennny! San ka galing?"

"Dyan lang. Pasok na tayo."

"Ikaw ha. Nag gagala ka kahit gabi na." natawa nalang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko masabi kay Nathalia na galing ako kila Raffy. Baka mag iba yung itsura. Hahaha. >:)

Kumuha kami ng madaming chips pagkapasok namin sa bahay then dumiretso kami sa kwarto ko. Lagot ako kay Mommy kapag nalaman niyang puro chips yung kinain ko ngayong dinner.

"So, kamusta ang iyong pinakmamahal mong Rafael Zamora?" PSH!

"Ayun may kinuwento siyang babae. Maganda daw" kanina pa kami kwentuhan ng kwentuhan dito. Nakahiga na kami. Matutulog na past 11 narin kasi.

"Sus. Mas maganda ka dun Frenny. For sure, bobo yun" Gaga talaga to. Sinabihan talagang bobo. 

"Ewan, di pa naman natin nakikilala eh. At hindi ako interesadon. Tsaka wag muna tayo manghusga. Bad yun Fren" 

"Sabagay. Matulog na tayo. Good night Gabriela Natsuki Mendiola"

"Good night Nathalia De Leon"

-------------------------------------------------

Hello! Si Nathalia De Leon po nasa right side. Best Friend ni Frenny Gabby. :)

-Irishroje

Love BullyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon