Tapos na ang first day sa school. This is it!
Ako si Gabriela Natsuki Mendiola. 16 years old. 4th year high school. Kakatransfer ko nga lang dito sa Dalby Academy. Sabi nila Maganda at Matalino daw ako. Pero para sakin namumuhay lang akong ordinaryong tao. Hindi mayaman pero tatlong beses kumakain sa isang araw. Ang pangalan ni Mom, Macezy Mendiola. Manager ng isang Japanese food ang accesories. Si Dad, Roe Mendiola, iniwan niya kami ni Mom noong bata pa ako. Ayun yung araw na nagkakilala kami ni Raf---- Aish!
"Gabby!" next time nalang yung iba. Panira ng moment eh. >__<
"Bakit raffy?" ngiti Gabby! Umupo naman siya tabi ko sa damuhan. Nandito kase ako sa garden ng school. Malawak at tahimik kasi dito. Nagpapatelax ako dahil sa dumugo ang utak ko kanina.
"May dala akong paborito mo" at inilabas niya ang SIOMAI KOOOOO! OMG!
Simulan ko na itong kainin. Ang sarap talaga niya. Yum! Yum! Yum!
"May nakita akong babae kanina." Nagsimula siya sa mga kwento niya. Hays alam ko na kung ano to.
"Oh? saan mo nakita?" tanong ko at kumain pa ng paborito ko.
"Dito din sa school, sabi nila anak daw ng may ari ng school nato." kumuha din siya ng siomai ko. Argghh!
"Ayos ka ah! Ano daw pangalan?" tanong ko pa. Wala muna akong paki sa kinukwento niya ngayon. Nandito kase yung siomai ko. *_*
"Ta----"
"Pare, kanina ka pa namin hinahanap. Basketball daw sabi nito ni Dominic." Aish! nandun na eh. Pero okay lang, hindi naman ako interesado kung sino yun.
"Gabby, mauna kanang umuwi ah. Punta ka mamaya sa bahay" Pinat niya ang ulo ko at umalis na siya. Kung sino man yung babae ang swerte niya :(
"Nandito na po ako Mom" umupo ako sa sofa. Umupo naman si Mommy. I kissed her cheek
"How's your school?" Mom asked me.
"Okay lang po. Akyat po muna ako Mom. Pupunta po ako sa bahay nila Raffy. Mamaya nalang po ako kakain pagkagaling ko po dun." umakyat na ko sa kwarto ko. Shower, tapos nagsuot na ako ng pajamas ang Jacket, malamig kaya sa labas.
After 30 minutes bumaba na'ko para mag paalam kay Mommy.
"Mom! Punta na po ako kila Raffy"
"Text mo ko pag uuwi ka na ha! Susunduin kita. Delikado sa labas." sigaw ni mom mula sa kitchen.
"Opo mom!" Lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa bahay nila Raffy.
*Dingdong.....*DingDong....*
"Hi Gabby Anak." bati ni Tita Claire sakin pagkabukas niya ng Gate.
"Good evening po. Si Raffy po?"
"Nasa kwarto niya." Pumunta ako agad agad sa kwarto. Binuksan ko ang pinto at....
"Waaaaah!" sinarado ko ulit yung pinto ng kwarto niya at sumandal doon. Ang tanga mo Gabby. Dapat kase kumatok ka eh. Kase naman siya hindi naglalock. Pero.. pero.. nakita ko yung katawan niya. Nakakahiya! Namumula nako dito sa labas ng pinto niya. Jusko po. Paano ko siya ulit haharapin.
Bumukas ulit yung pinto at at at nandito na siya sa harap ko. Hindi ako makatingin sa kanya.
------------
Mamaya ulit! :)
Nasa right side po yung picture ni Gabby ----->
BINABASA MO ANG
Love Bullying
Teen FictionGabriela Natsuki Mendiola isang babaeng namumuhay ng normal at madaming kaibigan. Isang babaeng matagal na niyang hinihiling na bumalik ang ama niya pagkatapos siyang iwan noong bata siya. Mayroon si Gabriela bestfriend at ang pangalan ay Raffy. Mas...