Chapter 5

880 33 40
                                    


"LISTEN, BABY! Iba 'yung tunog sa part na 'to oh!" masiglang sabi ni Stephanie.

Ine-explore nila ngayon ang buong Casa Monte Carlo.

"Baka may secret passage diyan. Check for possible doors," sagot naman ni Dave.

Agad naman itong sinunod ng dalaga. Napabaling siya sa bookshelf na nasa kaliwa nung parteng tinutukoy niya. Tinanggalan niya ng ilang mga libro ang nasabing shelf at kinatok ito.

"Baby, I think I got something! Help me move this bookshelf."

Nagtulong sila sa pagtulak at nadiskubre nila ang isang lihim na daan pakanan. Pinasok nilang dalawa iyon habang pareho silang may hawak na flashlight. Isa lang naman ang daan pero pasikut-sikot ito.

Pagdating nila sa dulo ay isang malaking kwarto na mistulang art museum ang tumambad sa kanilang harapan. Puno ito ng iba't ibang paintings. Sa isang tabi ay may makikita ka pang painting materials at mga bakas ng pintura sa sahig na parang dulot ng 'di sinasadyang natapong pintura. Hindi na rin madilim dito dahil may dalawang malaking bintana ito sa itaas.

"May talent ang dating may-ari nito ha. Magaganda ang mga painting niya," puna ni Dave habang tinitingnan ang ilang paintings na puro scenery ang obra.

"Hindi siguro ito ang orihinal na itsura ng kwartong 'to. Mga 1960's na kasi itong mga painting na nandito," sabi naman ni Stephanie nang mapansin niya ang petsa sa ilalim ng isang painting.

"Siguro nga. But this house really amazes me. Ang dami na nating nakitang secret rooms."

Panglimang secret room na ito na natatagpuan nila. May library, mini movie theater, at dalawa pang bedroom silang nakita.

*fuuu*

Napaigik si Stephanie nang may humipan sa tainga niya pero nang lumingon siya ay wala namang malapit sa kanya. Nasa kabilang panig kasi ng kwarto si Dave.

Hinimas na lang niya ang tainga at inisip na baka may napadaan lang na hangin. Napadako naman ang kanyang tingin sa mga nakatakip na paintings.

Lumapit siya rito at tinanggal ang puting telang nakatakip dito.

"What did you get there?" tanong ni Dave habang palapit ito kay Stephanie.

"I just found some old paintings but this time, puro babae ang modelo," kumuha siya ng isa at sinuri ito. Ganoon din ang ginawa ng kanyang katipan.

Nadako ang paningin ng dalaga sa isang pamilyar na larawan.

Kinuha niya ang painting ng isang babaeng nakapusod ang buhok. Natatandaan niyang isa ito sa mga nasa larawang nakasabit sa pader ng hallway.

"Kyaaahh!!" naihagis ni Stephanie ang painting nang may ipis na lumabas sa gilid ng frame na iyon at gumapang sa kamay niya.

"What happened, baby?" nag-aalalang tanong sa kanya ng nobyo.

"Ipiiiiss!!!!!" nagpapapadyak na sabi ni Stephanie habang pinapagpagan pa ang mga braso.

Hinanap naman ni Dave ang pobreng ipis para patayin.

Napahinto siya nang makita niyang lumusot ito sa sahig. Nakita niyang isang secret door ang nilusutan nito. Tinanggal niya ang mat na tumatakip sa kalahati ng nasabing pinto na sa unang tingin ay aakalain mong parte lamang ng sahig.

"Baby, can you get the crowbar there?" turo niya sa mga gamit nila.

Kinuha naman agad iyon ni Stephanie at iniabot sa nobyo.

Pagkabukas nila nun ay may nakita silang hagdan pababa. Ayaw man ni Stephanie na bumaba dahil sa pangambang magtagpo na naman sila nung ipis ay bumaba pa rin siya kasunod ang nobyo. Hindi naman kasi niya mapapalampas ang pagkakataong makadiskubre muli ng panibagong kwarto.

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon