Chapter 13

705 23 0
                                    


"Excuse me, President Smith," tawag-pansin ng sekretarya ni Dave sa kanya.

"Yes, what is it?" walang lingun-lingong tugon ng binata habang nagbabasa ng mga dokumento.

"Regarding the business dinner with the president of UHZ Corporation, they were asking if you are available tonight. They would like to move the said dinner this eight in the evening since President Cheng has an urgent business meeting in Shanghai this Friday, which was the original day of your dinner," mahabang paliwanag ng babae.

"Okay. Tell them I'll be there."

"Yes, sir."

Kinuha ni Dave ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ng katipan.

"The number you dialed is not yet in service or out of coverage area. Please try your call later."

Ilang beses pang sinubukan ni Dave ang numero ni Stephanie ngunit hindi pa rin siya makakonekta rito. Sinubukan naman ni Dave na tawagan ang telepono sa kanilang bahay ngunit walang sumasagot dito. Biglang nakaramdam ng kaba ang binata nang 'di niya matawagan ang katipan.

"Baby, nasaan ka?" mabilis na text ni Dave kay Stephanie.

Lumipas ang dalawang minuto at wala pa ring sagot na natatanggap ang binata kaya nag-text ulit siya.

"Baby, nasaan ka? Kanina pa ako tumatawag sa cellphone mo pero 'di ko ma-contact. Wala ring sumasagot sa bahay. Please text back asap."

Ilang saglit pa'y dumating na rin ang hinihintay na text ng binata.

"Nandito ako sa bahay. Sira ang telepono sa bahay kaya wala kaming naririnig na tunog mula rito. Mahina rin ang signal ngayon ng cellphone dito sa bahay," reply mula sa numero ni Stephanie.

"Ah ganoon ba?! I just want to inform you that I'm coming home late. May biglaang business meeting ako with the UHZ Corporation. Mauna ka na lang din matulog sa akin at baka hatinggabi na ako makauwi. Alam mo naman kung gaano kadaldal si President Cheng."

"Sige," maiksing sagot sa kanya ngka-text na ikinataka naman ng binata. Madalas kasing mahaba ang mga text ng kanyangkatipan at hindi nito nakalilimutang habilinan ang binata na mag-ingat sa daan.Wari'y ibang tao ang kapalitan niya ngayon ng mensahe. Ngunit,ipinagsawalang-bahala na lang ito ng binata dahil inisip niya na baka pagodlang si Stephanie kaya walang ganang mag-text.

Kinuha na ni Dave ang ilang pang folders na natitira sa kanyang mesa at tinapos na ang kanyang trabaho hanggang sa dumating ang oras ng kanyang business dinner.

Limang minutong mas maaga sa napagkasunduan dumating si Dave sa Philip's Gastropub. Nais kasi niyang makakuha ng malaking kontrata sa kompanya ni President Cheng. Mas mapapalawak nito ang negosyo nila sa China at alam niya ring matutuwa si Stephanie kung magiging magkatrabaho na sila ni President Cheng dahil naging magkaibigan sila President Cheng at Stephanie nang ang dalaga ang naging doktor ng misis ng Tsino nang ito'y nagbuntis noong nakaraang taon.

"Dave! It's been a long time!" masiglang bati sa kanya ng Tsino at nagkamay sila bago magsiupo.

"Thank you for accepting my invitation. Though, it's a bit sudden, I'm glad you can make it," nakangiting dagdag pa nito.

"No problem, President Cheng. It is us who want to thank you for giving us your precious time to hear our business proposal," magalang na tugon ni Dave.

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon