Epilogue

977 32 9
                                    


Naging maugong sa lahat ng dyaryo at telebisyon ang misteryong nangyari sa Casa Monte Carlo. Lumipas ang ilang buwan ay hindi pa rin naresolba ang kaso. Ipinalabas ni Stephanie na gawa ng mga armadong magnanakaw ang mga nangyaring pagpatay sa Casa Monte Carlo dahil hindi naman niya maisisiwalat ang buong katotohanan. Walang sinuman ang maniniwala sa kanya na mga nilalang sa salamin ang pumatay sa mga taong naroon at isang masamang espirito ang may dahilan ng lahat ng nangyari sa kanila. Dagdag pa rito'y nangamba rin siyang baka mapagkamalan siyang baliw at ikulong siya sa ospital ng mga may sakit sa pag-iisip. Hindi siya maaaring magbuntis sa loob niyon.

Tinanggap naman ng mga pulis at ng mga tao ang kanyang kwento dahil iyon lamang ang tanging posibleng paliwanag sa nangyari. Hindi na rin pinagtuunan pa ng pansin ng mga awtoridad ang mga natagpuang kalansay sapagkat hindi pa naman pagmamay-ari nila Stephanie at Dave ang mansyon nang mamatay ang mga ito.

Lumipas ang siyam na buwan at nanganak ng isang malusog na batang babae si Stephanie. Pinangalanan niya ang sanggol na Daphne na hango sa pangalan nilang magkatipan. Nailipat sa pangangasiwa ng presidente ng UHZ Corporation na si Kevin Cheng ang kompanya ni Dave sa loob ng isang buwan dahil hindi ito kayang patakbuhin ni Stephanie. Ngunit nanatili pa rinnaman ang pagmamay-ari ng kompanya kay Stephanie na siyang naging tagapagmanang lahat ng ari-arian ng binata. Naisalin na rin sa pangalan ni Stephanie ang lahat-lahat ng ari-arian ng kanyang ina, pati na ang kompanya nito na ipinamahala niya rin kay Kevin Cheng.

Sa mansyon ng pamilya Reyes nanirahan si Stephanie kasama nila Manang Fely at ng mga dati nang kasambahay ng pamilya nila. Mula nang makalabas siya noon sa ospital matapos ang malagim na nangyari sa kanyang pamilya ay hindi na siya muling tumuntong pa sa lupain ng Casa Monte Carlo. Binili na lamang niya ang mga karatig na lupain nito at saka ipinasarado sa publiko ang lugar dahil nangangamba ang dalaga na baka may sumunod na biktima sa nasabing lugar. Hindi siya sigurado sa kung anong nangyari kay Maria at sa mga alagad nito. Pero isa lang ang sigurado siya... Hindi nagtagumpay si Maria sa mga plano niya dahil buhay sila ng anak niya.

Makalipas ang limang taon ay lumaki si Daphne na isang mabait, maganda at matalinong bata. Napakagalang na bata ni Daphne kaya naman kinagigiliwan siya ng lahat.

"Steph, napakaswerte mo sa anak mo. Biruin mo, limang taon lang siya pero marunong na siyang bumasa at sumulat," papuri ng isang kaibigan ni Stephanie.

Nagkaroon ng pagtitipon sa bakuran ng pamilya Reyes bilang selebrasyon sa ikalimang kaarawan ni Daphne. Lahat ng kaibigan at natitirang kamag-anak nila Stephanie at Dave ay dumalo sa pagsasalo.

"True! Magkaklase sila ng anak ko pero ni magsalita nga ng tuwid ay hirap pang gawin ng anak ko. Paano mo tinuruan si Daphne?" komento ng isang nanay.

Napatingin si Stephanie sa anak na ngayo'y nakikisali sa palarong inihanda ng party clown.

"Daphne is like his father, bright and cheerful. I was truly blessed to have a child like her. She never complains to how strict I can be but I always made sure that she's always having fun. Our child's happiness is what really important," nakangiting tugon ni Stephanie at sinang-ayunan naman ito ng mga kasama.

"Pero wala ka na ba talagang balak na mag-asawa? It's been five years since Dave died. It's time for you to move on."

"Oo nga, Steph. Hindi namin sinasabing kalimutan mo si Dave. Besides, no one can replace him in your heart since he will always be Daphne's father. All we want is for you to find happiness," komento ng kaibigan ni Daphne.

"How about Dr. Ramirez? Ang alam ko, matagal ka na niyang napupusuan. He's a good man and one of our best doctors," mungkahi ni Joy, ang nars na dating tumingin kay Stephanie nang muntik siyang makunan.

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon