Chapter 14

806 21 0
                                    


Maingay at puno ng tao ang pamilihan sa bayan. Hindi halos magkamayaw ang ilang ginang sa mga bagong balabal na gawa sa satin na ipinagbibili ng isang sikat na tindahan dito sa bayan. Samu't saring palamuti rin ang ipinagmamalaki ng isang magarbong tindahan sa kabilang dako ng pamilihan. Magagarang damit, sapatos at iba pang kaakit-akit na kagamitan ang tampok sa pamilihan.

"Magandang hapon, binibini," bati ng isang malaking lalaking nakasuot ng sombrero at may bigote sa isang dalagitang nakasalubong.

"Kung iyong mamarapatin, maari ba naming makompirma kung kayo nga ang anak ni Don Pablo Monte Carlo na si Maria?"

Hindi nagsalita ang dalagita at nanatiling nakatakip ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang mamahalin nitong pamaypay. Halata sa magarbong kasuotan ng dalagita at mahinhin na pagkilos nito ang tatak ng pagiging isang anak mayaman.

Biglang naalerto naman ang kasama ng dalaga dahil sa tono ng pananalita ng ginoo. Tumayo siya sa harap ng dalaga na parang pinoprotektahan niya ito mula sa lalaking nasa kanilang harapan.

"Mawalang galang na ginoo ngunit ano pong kailangan niyo sa aming binibini?" tanong ng binata. Nakasuot lang ng ordinaryong damit ang binata at may kaunting karusingan sa kanyang paa tanda na nagtatrabaho ito sa isang hardin o sakahan.

Isang ngisi naman ang pinakawalan ng ginoo at nakaramdam ng hindi magandang kutob ang binata.

"Kung ako'y nagkamali ay ipagpaumanhin ninyo. Bueno, ako'y mauuna na. Magandang araw sa inyong dalawa." At saka naglakad na papalayo sa kanila ang ginoo.

"Binibining Maria, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng binata.

"Huwag kang mag-alala, Joaquin. Hindi sa ganoong klase ng tao ako matatakot. Halika na at baka tayo'y gabihin pa. Kailangan kong mabili iyon dahil baka maunahan ako ng iba," magiliw na tugon ng dalaga at tumakbo na ito papunta sa isang tagong tindahan sa sulok ng pamilihan.

Hindi maiwasang mabighani ng binata sa lakas ng loob na ipinapakita ng kanyang binibini. Bukod sa kagandahang taglay nito ay kabilib-bilib din kung paanong hindi siya natatakot sa mga bagay-bagay sa mundo na hindi niya alam.

"Binata, nais mo bang kunin ang singsing na 'to?" alok ng isang matandang babaeng nasa edad walumpu na at kulubot na ang mga balat.

"Pagpasensyahan niyo na, manang. Wala ho akong sapat na salapi upang bilhin ang magandang singsing ninyo," magalang na pagtanggi ng binata. Gawa sa pilak ang singsing at may malaking pulang bato ito. Ngunit hindi ang bato ang nakaakit sa atensyon ng binata kung hindi ang kakaibang disenyo nito na parang kamay na pumipiga sa pulang bato.

 Ngunit hindi ang bato ang nakaakit sa atensyon ng binata kung hindi ang kakaibang disenyo nito na parang kamay na pumipiga sa pulang bato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Isang tansong barya lamang ang aking kailangan at mapapasaiyo na ang aking singsing. Kunin mo na ito at siguradong magugustuhan ito ng dalagitang kasama mo," ani ng matanda.

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon