Chapter 10

766 25 24
                                    


MAINGAT NA TINATANGGAL NI CALOY ang mga waterlily sa ilog na sakop ng Casa Monte Carlo. Marami at may kabigatan din ang mga ito kaya medyo nahihirapan siyang hilahin ito.

"Caloy, inom ka muna. Gumawa ako ng juice na maiinom natin," masayang tawag sa kanya ni Teresa.

May lihim na pagtingin ang binata kay Teresa. Napakabait kasi sa kanya ng dalaga at talagang nagagandahan siya rito. Nais niya sanang magtapat sa dalaga ngunit nauunahan siya ng takot na layuan siya nito.

"Salamat, Tere," nakangiting sabi ni Caloy pagkaabot ng inumin mula sa dalaga.

"Walang anuman. Sige, pasok na ulit ako," nakangiting sagot ni Teresa.

Nakatalikod na ang dalaga nang muling magsalita si Caloy.

"Mahal kita, Tere."

"May sinabi ka ba, Caloy?"

Nagulat ang binata nang lumingon sa kanya ang dalaga.

"W-Wala ah. S-Sige, balik n-na ako s-sa ginagawa ko," at mabilis siyang bumalik sa pinaglapagan niya ng kanyang gamit.


"Phew! Muntik na 'yun ah," nasambit ni Caloy habang naglalakad palapit sa may Gazebo.

"Hayy... Kailan kaya ako magkakalakas-loob na sabihin sa kanya nang harapan na mahal ko siya?" nakatingin siya sa salaming nasa kisame ng Gazebo habang sinasabi ang mga katagang ito.

"Naku!!! Bahala na nga si Batman!!!"

Tumuntong sa may pasamano ng Gazebo si Caloy para maabot ang mga waterlily sa gilid ng nasabing lugar.

Hindi niya namamalayan na may isang nilalang na bumababa mula sa kisame ng Gazebo.

Isang replika ni Caloy ang lumabas mula sa salamin na nasa kisame. Ito ang kanyang repleksyong hindi niya namalayang naiwan niya pala kani-kanina lamang.

Dahan-dahang lumapit ang repleksyon sa likuran ni Caloy. Walang kahit anong tunog o yabag ang maririnig mula sa repleksyon. Hindi rin nararamdaman ni Caloy ang maitim na aurang bumabalot dito kaya naman...


Wala siyang kamalay-malay sa panganib na nakaamba sa kanya.


"Waaa-..."

*splash*

Isang malakas na pagtulak ang iginawad ng repleksyon sa binata kung kaya't nahulog ito sa ilog.

Sinubukang umahon ni Caloy subalit nahihirapan siyang gawin iyon dahil sa mga waterlily na pumulupot sa kanya.

"Asar! Ang hirap lumangoy!!!" nasabi ng binata sa sarili habang sinusubukan niyang tanggalin ang mga nakapulupot sa kanya.


Habang hinahatak niya ang mga nakapulupot sa bandang hita niya ay may nakita siyang isang bagay na hindi niya inaasahan.

"T-Tao?? M-May b-bangkay d-dito??"

Isang pigura ng tao ang kanyang nakita hindi kalayuan sa kinalalagyan niya. Nakayuko lamang ito at tila walang malay.

Hindi ito gumagawa ng kahit anong galaw kung kaya't naisip ni Caloy na isa nga itong malamig na bangkay.

*blob*

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon