Chapter 8

817 30 3
                                    


"TERE, pakihugasan na 'yung mga ingredients na pinamili ko. Pakikuha na lang sa kotse," utos ni Stephanie sa kasambahay pagkarating niya ng bahay.

"Opo, Ate. Ay Ate, dumating nga po pala ang Mama niyo kaninang umaga," sabi ni Teresa.

"Talaga? Bakit daw?"

"Dumaan lang po at may pinabibigay sa inyong ulam kanina. Siya po yata ang nagluto nung Caldereta."

"Talaga!? Sige! Sige! Pakiinit na 'yun at 'yun ang uulamin ko mamaya," masayang sabi ng dalaga.

"Sige po. Ay ate, may iniwan daw po siyang sulat para sa inyo sa kwarto niyo," kwento pa ulit nito sa dalaga.

"Sige, salamat!"

Patakbong umakyat si Stephanie at excited na binuksan ang sulat na nakita niya sa kanyang mesa.

Ilang saglit lang ay pumapatak na ang mga luha niya.

"I love you, too Mama. *sniff* I really miss you," naiiyak na sambit ni Stephanie.

Biglang nakaramdam ng malamig na hangin si Stephanie. Inakala niyang nanggaling lang iyon sa malaking bintana. Pero ang totoo...


Niyayakap siya ng kanyang ina na umiiyak.

Ipinikit na lang ni Stephanie ang kanyang mga mata at dinama na lamang ang kakaibang malamig na hangin na hindi niya maipaliwanag pero nagbibigay sa kanya ng saya.


"I love you more, baby girl. Mag-iingat ka sa kanila."

Bulong ni Sophie sa anak pero hindi na siya maririnig nito kahit kailan.



"ANONG NILUTO MO NGAYON, BABY?" tanong ni Dave habang tinatanggal ang necktie niya.

"Sorry, baby. Hindi na ako nagluto eh. Pumunta kasi si Mama rito kanina. May binigay siya sa'ting Caldereta. Masyado kasing marami 'yun kaya 'yun na lang sana muna ang kainin natin," sabi ni Stephanie habang inaayos ang pamalit na damit ng katipan.

"Wow! Okay lang! Na-miss ko na rin naman ang luto ni Tita eh. So nagkausap na kayo kanina?" tanong ni Dave na nasa banyo na.

"Hindi nga eh. Nakaalis na kasi ako nang makarating siya. Pero nag-iwan naman siya ng sulat kaya masaya na rin ako kahit papaano."

Napapangiti pa rin si Stephanie kapag naaalala niya ang sulat ng ina.

"Good to hear that. Uhmmm, baby. Paabot naman ng boxer shorts ko diyan. Hindi ko pala nadala."

"Sus! Dumidiskarte ka lang yata eh. Sabi ni Mama, 'wag muna raw tayo mag-baby hangga't 'di pa tayo kasal!" natatawang sabi ni Stephanie.

"Oy! Inosente ako ha. Hahaha" sagot naman ng binata.

Kinuha na nga ni Stephanie ang panloob ng katipan.

Napatingin siya sa malaking salamin nang mapadaan siya rito.

"Bakit lima nalang 'yung sira? Siyam 'to 'di ba?" nagtatakang puna niya nang mapansing nabawasan ang sirang maliliit na salamin.

"Baby? Nakita mo na ba 'yung boxer shorts ko?" sigaw ni Dave mula sa banyo.

"A-Ah... Coming!" ipinilig na lang ni Stephanie ang ulo.

"What took you so long? Nasa kama lang naman ito ah," tanong ni Dave sa katipan.

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon